Chapter 26

4.6K 144 14
                                    

Na-shocked ako dahil hindi ko ineexpect na makikita ko sya sa ganong paraan. Nakatingin lang din sya sa akin. Himala hindi sya naka killer smile, hindi sya nagpapacute, hindi sya nangungulit. Parang pansamantalang huminto ang oras ng sandaling yun.

"Oh para kayong nakakita ng multo." pinitik ni yaya ang kanyang baso gamit ang isang tinidor, sapat na yun para buwagin ang kung ano man ang nagbibigkis sa mundo namin ni Kevin sa mga sandaling yun.

"Uy." yun lang ang tanging nasabi ko sa kanya. Tinapik ko sya sa kanang balikat.

"Uy." yun lang din ang kanyang nasabi. Ngumiti naman sya pero halatang pilit.

"Musta?"

"Okey naman."

"Ikaw kumusta ka?"

"Ah eh eto okey din."

Nakanganga si yaya habang nagmamasid lang sa aming dalawa.

"Ako nagluto nyan." sabay turo sa ulam na nakahain sa aming harapan. Sa wakas ngumiti na sya, smile ala Kevin Huget, yan ang namiss ko sa kanya.

"Ah kaya pala mukang hindi masarap. Tsssk."

"Aha nagsisinungaling ka, sabi mo sakin dati my adobo is the best in the world!"

"Hmmmm." tumawa nalang ako. Tinignan ko si yaya, mukang gulong-gulo sa mga pangyayari.

"Natanggap ko text mo kanina, pauwi na ako nun kaya dumaan na ako sa mall para mamalengke ng pang adobo. Kinasabwat ko si tita." ngumiti ulit sya.

"Bakit naka off cellphone mo?" tanong ko.

"Para naman mamiss mo ako kahit konti." tumawa ulit kami.

Lilinga-linga ang mata ni yaya. Halatang nagtataka.

Pasimple akong sinipa ni Kevin sa paa, tinitigan nya ako at dinala ang aking tingin kay yaya. Agad ko naman nakuha ang gusto nyang sabihin, OP na si yaya sa amin kaya tinigil na namin ang kulitan.

"Yah yung binigay ko sayong Jollibee kanina, hati kayo ni Kevin ha?"

Kagago ko, binigay ko na sa kanya tapos bigla kong babawiin. Pero okey nayun, hati naman sila tsaka hindi naman nya yun kayang ubusin. Hehe.

Buti nalang tumango naman si yaya at hindi nagalit. Akala ko magtatampo sya pero mukang naiintidihan naman nya, naiintindihan nya na para talaga kay Kevin yun, second choice lang sya. Hehe.

"Kain na tayo?" aya ni Kevin.

Nanlaki ang mata ni yaya ng kuhanin ni Kevin ang aking plato para lagyan yun ng pagkain. Sinipa ko si Kevin sa paa para itigil nya ang ginagawa nya.

"Aray Mark. Bakit mo naman ako sinisipa?" buset na Kevin to, ibuko ba ako. Ngumiti sya, nakakagago. "Tita si Mark po sinisipa ako sa ilalim ng lamesa, may gusto atang ipahiwatig, hindi ko lang alam kung ano."

Lokong Kevin, mas lalo pang pinagulo ang iniisip ni yaya. Palagay ko may world war three na sa utak ni yaya ngayon. Hehe.

Ang sarap ng kain naming tatlo. Ang tagal namin nagkwentuhan. Gaya ng pagkain, masarap din ang aming naging usapan este dalawa lang pala kaming nagkulitan, hindi kasi maka relate si yaya sa amin.

"Mark dito ako matutulog ha?" paalam nya habang kumakain ng burger. Nakatayo na kami pareho papuntang sala. Tapos na kasi kami kumain at si yaya naman ay naghuhugas na ng mga pinggan.

"May pasok na tayo bukas loko, baka mapuyat na naman tayo nyan."

"Okey lang yun, minsan-minsan lang naman."

"Anong minsan-minsan ka jan, lagi-lagi kaya."

Wala naman ako magagawa eh. Umuwi muna sya sa bahay nila para magbihis at para kumuha ng gamit, dito na daw sya gagayak bukas para sabay na kaming pumasok. Alas otso ang klase ko, alas diyes naman sya.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now