Chapter 48

3.7K 123 10
                                    

"Mark... pwede ba kitang makasama... kahit ngayon lang."

Hindi ko nakita kung paano niya binitawan ang linyang yun pero malinaw naman na nakuha ng mga tenga ko ang sinabi niyang yun.

Hinatak  ko ang case na nasa ilalim ng lamesa at kumuha ng dalawa... dalawang  bote ng serbesa. Sinubukan ko buksan ang isang bote gamit ang ngipin ng  tansan ng pangalawa.

"Oh eto." inabot ko sa kanya. Lumapit siya  at hinatak ang upuan sa gilid ko, umupo siya sa harap ko at kinuha ang  bote ng san mig na inaabot ko. Lumagok agad siya ng isa.

"Merry Christmas Mark."

"Hindi  merry ang Christmas ko." napakunot siya ng nuo. Hindi ko alam kung  nalalasahan parin niya ang pait ng alak o mapait lang talaga ang naging  sagot ko.

"Bakit naman?" tanong niya. Halatang medyo nag-aalangan pa siyang magsalita.

"Tignan mo naman ako. Muka bang akong masaya?"

Hindi  na nakakapag-preno ang bibig ko dahil na siguro sa dulas ng alak na  umakyat na sa utak ko. Naka-ilang bote narin kasi ako, tatlo na ata,  pang-apat ang hawak ko.

Tumungga ulit siya ng isa, matagal. Narinig ko ang sunud-sunod na lagok na umagos sa kanyang lalamunan.

"Mark... ano Christmas wish mo?" tanong ulit niya. Hindi pa naman siya lasing pero ang kulit na niya.

"Ang kulit mo. Uminom ka nalang jan."

Uminom  ulit ako. Medyo mainit na yun. Hindi na swabe sa panlasa ko. Hindi ko  na yun inubos. Hinipo ko ang natitirang mga bote ng alak sa case sa  gawing paanan ko. Ganon din, medyo nainit narin.

Tumayo ako. Tumalikod at dumiretso sa loob.

"Uy saan ka pupunta?" tanong na naman niya.

Sumenyas ako. "Kukuha lang ng ice cubes." napalakas ata ang boses ko.

Bumalik  ako sa ha-rapan namin ni Kevin dala-dala ang pitsel na may yelo.  Nagbukas ako ng dalawang bote at ibinuhos sa pitsel na hawak ko.

"Itabi mo na yang iniinom mo. Hindi na masarap yan. Hindi na malamig."

Nilabas ko sa bulsa ko ang baso na kinuha ko, dalawa, tig-isa kami.

"Isang baso nalang gamitin natin. Para naman tayong hindi magkaibigan niyan." sabi niya.

Napangiti ako. Oo nga naman.

Tinabi  ko nalang sa gilid yung isang baso at ang isa naman ay nilagyan ko na  ng alak. Mamuno-muno yun dahil sa kanya ko ibibigay ang tagay.

"Dahan-dahan lang Mark baka kasi malasing agad tayo. Gusto kong sulitin ang gabing ito kasama ka."

Nagulat ako sa sinabi niya. Mukang simpleng pangungusap lang naman yun pero parang hindi ko gaanong naunawaan ang nilalaman.

Binawasan ko ng kalahati ang baso na kanina ay puno. Kinuha naman niya pero hindi niya agad ininom.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko... ano Christmas wish mo?"

"Ang kulit mo." sabi ko. Tinignan ko siya. Seryoso ang kanyang mukha.

Napakamot tuloy ako. Tumingin ako sa poste ng ilaw sa kalsada na natatanaw ko... napa-isip.

"Ah..." Umiling ako. "Hindi ko alam. Ikaw?"

"Sana maging masaya kana."

Napabuntong hininga ako. Ang lakas ng tama ng sinabi niya nayun, mas malakas pa sa tama ng alak na nainom ko.

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now