Chapter 19

5.3K 139 5
                                    

Nagising ako mula sa isang hindi magandang panaginip. Buti nalang hindi pala totoo. Pinunasan ko ang luha ko sa gilid ng aking mga mata. Kahit pala panaginip lang nadadala parin ang aking emosyon. Tulog na tulog si Kevin sa tabi ko. Hinipo ko ang kanyang nuo, ang kanya pisngi, ang kanyang braso... hindi na mainit hindi tulad kanina.

Maingat kong itinaas ang kanyang kanang kamay na nakapatong sa aking dibdib at dahan-dahan akong tumayo para hindi sya magising.

Sinilip ko ang labas, medyo tumitila na ang ulan. Ang lamig ng paligid, puro hamog sa paligid, basang-basa ang mga salamin na parang yelo sa lamig. Pumasok ako sa kabilang kwarto para kuhanin ang cellphone ko. May ilang text pero puro quotes lang. Alas kuwatro na pala ng umaga. Mabuti siguro na maghanda ako ng makakain namin ni Kevin. Nagpunta ako sa kusina, naka-prepare na pala ang dapat ay dinner namin kanina. Malamig na ang adobo ni Kevin kaya pinainit ko nalang yun. Hinanda ko na ang lamesa para sabay na kaming kumain.

Hinaplos ko muli ang kanyang buhok. "Kevin kain na tayo." bulong ko.

Mukang okey naman na sya pero halatang nanghihina pa. Slow-mo pati ang pagbukas ng kanyang mga mata. Mapupungay ang mga yun kaya lalo ako naawa sa kanya. Ngumiti ako at gumanti rin naman sya. Pinipilit nyang umupo kaya agad ko naman syang tinulungan. Sinandal ko sya head board ng bed.

"Kevin teka lang, kukuha lang ako ng pamalit mo. Basang-basa ka na ng pawis." tumango lang naman sya.

Pumili ako ng manipis na damit para presko. Pawis-pawis sya kahit na sobrang lamig ng paligid. Epekto siguro yun ng gamot na ininom nya kanina.

Ako na ang naghubad ng damit na suot nya. Pinunasan ko muna ang kanyang likod, ang kanyang dibdib, ang mga singit-singit bago ko pinalitan ng bagong damit.

"Akala ko ba malakas ka?" tinapik ko ang kanyang kanang pisngi.

Ngumiti lang ulit sya. Ang tamis-tamis ng smile nya, nakakatunaw. Tinulungan ko syang tumayo, nanginginig parin ang kanyang mga tuhod kaya inalalayan ko sya ng mabuti. Magkaharap kami na nakaupo sa hapag kainan.

Tumayo ulit ako para buksan ang tv sa sala, naghanap ng magandang channel at ayun meron naman, Myx at puro love songs ang pine-play. Tinantya ko ang volume para magkabuhay ang loob ng unit.

"Nice music." sabi ni Kevin.

"You like it?" tanong ko.

"Yes. Favorite ko yan." ngumiti sya. Kasalukuyang pine-play ang Love will keep us alive ng The Eagles. Oo nga pala, mga slow, love and senti songs ang favorite nya.

Kakaiba ang ambiance. Feeling ko nasa isang classy restaurant kami.
Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Sana ganito nalang lagi.

Tumayo ulit ako para tulungan syang kumuha ng pagkain.

"No need Mark. Kaya ko to."

"Basta umupo ka lang jan, ako muna bahala sayo."

Ngumiti lang ulit sya. Tumango. Ilang sandali pa ay kumain na kami.

"Masarap ba?" tanong nya.

"The best adobo in the world." sobra ang niti nya, ang saya saya ng mukha nya. Ewan ko ba, sa totoo lang simpleng adobo lang naman yun, hindi naman super sarap pero may something na nagdudulot sa akin ng kakaibang saya. Adobo ala Huget is the best in the world!

Wala masyadong usapan habang kumakain kami. Hindi pala kailangan ng maraming kulitan at bolahan para maging masaya ang aming samahan. Kahit nakatikom ang aming mga bibig, nagagawa parin namin magusap sa pamamagitan ng aming mga titig. Mas epektibo pala yun.

___________________________

"Buong buhay ko lagi nalang ako namamalimos ng attention. Lagi ko pinapangarap na balang araw hindi ko na kailangan na maghanap pa ng tao para lang makasama ko, para lang maging masaya ako. Lagi nalang ako iniiwan sa buhay nato."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon