Chapter 37

4.1K 129 3
                                    

Madalas naman ako maghubad. Sa bahay, sa lansangan kasama ng mga kaibigan, sa basketball court kapag laro-laro lang o nakikipagpustahan. Basta para sa akin normal lang yun sa amin.

Pero bakit ngayon nahihiya na ako? Dalawa lang naman kami sa kwarto. Si Kevin lang naman ang kasama ko.

Nararamdaman kong parang may humahatak sa akin paatras, para tumakas, gaya ng pagtakbo ko nun sa Baguio. Natakot ako nuon, natatakot ulit ako ngayon. Bahala na nga. Bahala na si Batman.

Sunod kong hinubad ang pambaba kong suot hanggang sa matira nalang ang aking boxer shorts. Napatingin ako kay Kevin. Para siyang binuhusan ng sangkaterbang suka, namumutla ang kanyang mukha. Pinilit kong wag matawa para hindi masira ang eksena naming dalawa.

"Mark kinakabahan ako." sabi niya.

"Basta sumakay ka lang. Ako bahala sayo."

"Hanep Mark kailan ka pa natutong gumanyan." nagkaroon narin ng konting pula ang kanina'y maputla niyang mukha.

"Ngayon lang." sagot ko.

Nilapitan ko na siya. Hinablot ang kanyang damit na suot, hinubad ang pantaas na saplot. Sa itsura ng kanyang mukha, halatang nabigla sa aking mga ginagawa.

Hinawakan ko siya sa dibdib. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Hinaplos ko ang kanyang hubad na katawan, mula dibdib hanggang bewang. Umikot ang aking mga kamay hanggang sa kanyang makinis na likuran. Dinama kong mabuti ang kanyang mainit na kabuuan. Nag-aalab. Nakakapaso. Nakakalapnos.

Nararamdaman ko ang kanyang panginginig.
Naririnig ko ang kabog ng kanyang dibdib.
Nagsisimula ng bumibigat ang kanyang paghinga, parang malakas na makina.

"Gagawin ko ito para sayo. Dahil mahal kita." bulong ko sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa tenga, sa pisngi, sa labi, sa leeg, sa dibdib.

Natigilan ako ng hawakan niya ang balikat ko. Bigla siyang tumayo, nakakabigla.

"Bakit?" maikli kong tanong.

Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero tinitigan lang niya ako.

Humakbang siya hanggang sa maging sobrang lapit na naman namin sa isa't-isa. Tinulak niya ako, ang lakas ng kanyang braso. Ako naman ang napahiga sa kama.

Ako ang napunta sa sitwasyong kanina ay sa kanya. Ngayon, naiintidihan ko na kung bakit ganon nalang ang kabog ng dibdib niya kanina. Nakakatakot. Nakakakaba.

Lumapit pa siya sa akin. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga sa bigat. Napapikit nalang ako. Napahawak sa bedsheet.

Isang mainit na halik ang dumampi sa aking labi. Mabilis lang yun pero nasundan agad. Nasundan ulit at nasundan ng isa pa hanggang sa tumagal na.

Ganon pala ang pakiramdam. Para kang nalulunod na ewan. Hindi ko man lang naranasan to dati, sa iba. Ang lakas ng tama ko sa kanya, kakaiba.

Nakapikit parin ako. Ayoko kasi makita ng aking mga mata ang mga nangyayari. Baka hindi ko kayanin. Baka hindi ako makapagpigil. Baka madiskaril ang plano ko.

Gusto ko lang sana sukatin kung hanggang saan ako dadalin ng damdamin ko, ng gabing ito.

Nang makahanap ako ng tiyempo para magsalita... hindi na ako ng nagpatumpik-tumpik pa para kumawala.

"Kevin."

"Oh."

"Tama ka."

"Ha?" humiga siya sa tabi ko.

"Tama ka kanina sa sinabi mo."

"Na alin?"

"Mag Jollibee na nga lang pala tayo."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon