Chapter 9

6.9K 178 2
                                    

Biglang kumabog ang dibdib ko. Ang alam ko kinakabahan ako sa mga oras nato. Pati ba naman si Mariel iiwan ako? Matagal na namin yun pinag-uusapan pero hindi ko talaga yun sineryoso. Akala ko kasi... akala ko kasi... Sheeeet ano ba to? Gusto ko maiyak pero pinipigil ko na pumatak ang luha ko. Ang laking damulag ko tapos iiyak ako? Baduy man pero hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko. Natahimik ako at para bang nagsimula ng lumipad ang isip ko patungo kung saan-saan. Unti-unti ko nang naalala ang mga masasayang nangyari samin ni Mariel. Nung una ko syang makita sa school, panuodin sa pageant at maging stalker ng Ms. St. Jude at nung maglaon ay ang panliligaw ko sa kanya hanggang sa maging kami na. Pati sa review para sa board exam sa baguio ay kasa-kasama nya ako. Nang maging Registed Nurse sya ako una nyang tinawagan at tandang tanda ko pa kung paano nya bigkasin sa telepono ang mga salitang RN na ako! Malayo ang Saudi Arabia at ilang taon sya mawawala para sa kontrata. Maraming pwedeng mangyari sa haba ng panahon nayun na hindi kami magkasama. Napansin ko na nakatingin pala sakin si Kevin na halatang nag-aalala sakin.

"Tol bakit? Ano problema mo?" hininto nya ang kotse sa shoulder ng highway.

Wala akong nasabi kay Kevin sa mga sandaling yun. Ilang minuto nya akong tinitigan. Kapansin-pansin sa mata nya na nag-aalala sa mga kinikilos ko. Masaya naman ako kanina at nagbibiruan pa kami and all of the sudden bigla akong mage-emote. Ka-baduy talaga ng eksenang to'. After few minute of silence finally nakapagsalita narin ako.

"Ok lang ako. Don't worry." ngumiti ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano meron sa text nayun. Kahit hindi ka magsalita alam kong may dinadala kang mabigat. Basta nandito lang ako bro. sabi nga ni Superman, I am always around." ngumiti din sya.

Ang galing naman nya. Alam nya na sa isang text galing ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Nakatingin ba sya sa lahat ng ginagawa ko?

Ilang sandali pa ay pinaandar na nya ang engine ng kotse nya at tuloy na kami sa byahe. Dumaan kami sa isang fast food restaurant para bumili ng pagkain bilang treat ko sa kanya. Feeling ko ay madungis na ang itsura ko kaya nagrequest ako kay Kevin na itake-out nalang yung pagkain at sa bahay nalang yun kainin. Okey lang daw sa kanya kaya diretso na agad kami sa bahay. Alas singko na nang hapon nang dumating kami, masyadong maaga para sa hapunan.

"Oh Mark masyado yatang maaga ang uwi mo? Nakakapanibago." hirit ni yaya.

"Yah kayo naman masyado nyo naman akong nami-miss." sagot ko.

"Tita ako po si Mr. Kevin Huget, muka po nakalimutan na akong ipakilala ni Mark sainyo." sabay ngiti ng loko. Humalik si tisoy kay yaya Rosie kaya naman biglang nagulat ang yaya ko.

Aba umeentra na si Huget. May nalalaman pang ganon. Nag-head to toe assessment si yaya kay Huget. Talagang nahiya ako sa ginawa nya pero biglang kumana si yaya ng linyang:

"Kung ganito naman ka-gwapo ang dadalaw dito Mark, kahit araw-araw walang problema." hirit ni yaya. Akala ko naman kung anong sasabihin niya. Anak ng toknene hanep sa batuhan ng linya, feeling ko tuloy OP ako. Matandang dalaga kasi si yaya kaya pagbigyan nyo na sa mga hirit nya.

"Tita heto po, binili po talaga namin yan ni Mark para sainyo." sabay abot sa Jobee na tinake-out namin. "Tita pwede po bang umakyat ng ligaw?"

Ano daw? Loko tong tisoy nato ah, pati si yaya lolokohin. Liligawan nya si yaya? Haha.

"Kanino naman?" pagtatakang tanong ni yaya.

"Kay Mark po. Pwede po ba na umakyat ng ligaw sa kanya?" tugon nya sabay ngiti.

Ang saya ng taong to', laging may joke at laging smiling face. Nakakalimutan ko tuloy ang mga iniisip ko. Alam ko sa mga sandaling ito ay sinusubukan nyang burahin ang mga mabigat na iniisip ko.

"Yah wag mo pansinin to'" sabay akbay kay Huget. Hinatak ko na sya pataas papuntang kwarto ko. Baka kung ano-ano pa kalokohan ang sabihin kay yaya eh isumbong pa ako kay lola. "Akyat lang po kami sa taas yah. Maya-maya lang po uuwi nato." dagdag ko.

"Tita hindi po, baka gabihin na po ako. Isama nyo po ako sa dinner nyo. May importanteng pag-uusapan po kami ni Mark." singit nya habang hatak-hatak ko palayo kay yaya. Ano naman kaya ang importanteng bagay nayun? Loko talaga to', kakulit.

"Sige." maikling tugon ni yaya na kanina pa paniguradong nagugulumihanan sa mga bagay-bagay.

___________________________________

"Okey ka lang ba?"

"Ok lang ako bro."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sini-share yan."

Natawa ako sa kanya. Parang bata talaga sya mag-alala. Kanina lang nang maging tigre sya sa pagtatanggol sakin sa court tapos naging clown naman sa harap ni yaya para magpatawa at ngayon isang maamong pusa ang nasa aking harapan para mag-alok ng isang pagdamay.

"Alam mo bro buong buhay ko nalang iniiwan ako ng mga mahal ko sa buhay. Buong buhay ko para akong namamalimos ng pagmamahal sa iba. Binubuhos ko ang buong oras ko sa basketball para makalimutan ang lahat. Nagkukunwari akong malakas sa harap ng ibang tao. Nagkukunwari ako masaya at matigas sa mata ng iba. Akala nila maswerte ako dahil sunod ang layaw ko pero hindi nila alam na unti-unti akong nadudurog sa kalungkutan. "

Teka ano ba ang sinasabi ko? Parang akong ice cream na unti-unting natutunaw sa mga titig nya. Ang kanyang mga mata ay parang bang nangungusap. Kahit hindi magsalita si Huget ay ramdam ko ang buhay ng kanyang pagdamay.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag umalis si Mariel. Hindi ko alam kung gaano magiging katagal yun. Mamamatay ata ako sa lungkot."

Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, nagsalita ako ng ganito sa isang tao. Isang tao na ilang araw ko pa lang nakapalagayan ng loob. Hindi naman ako ganito dati. Tamang drama ako sa mga sandaling yun.

Sa telepono nalang kami nakapag-usap ni Mariel nung gabing yun. Late na daw kasi sya nakauwi galing Manila. Dun namin napag-usapan ang balak nyang pag-alis. Syempre sinubukan ko parin sya pigilan pero wala din akong nagawa, desidido na talaga sya umalis. Bakas sa boses nya ang kasiyahan kaya sino ba naman ako para pigilan yun. Kahit na masakit susuportahan ko parin sya dahil dun sya masaya.

Wala daw magbabago sa amin at lagi daw syang tatawag para ako kumustahin kapag malayo na sya. Para daw sa pamilya nya at future namin ang gagawin nyang sacrifice. Sa pag-uusap nayun, kahit papaano ay naibsan ang kalungkutan ko.

Magdamag akong binantayan ni Kevin. Hindi sya umuwi kahit na anong gawin kong pag-convince sa kanya. Ang dami naming napag-usapan at sa ilang araw pa lamang na kami ay magkaibigan, mas nakilala ko pa ang isang Kevin Huget.

________________________________________________

The next day maaga akong ginising ni Huget para magbasketball kahit na pareho kaming puyat. Nag one-on-one kami sa isang half court malapit sa bahay namin. Tamang papawis lang. Marami syang tinuro sakin na moves sa basketball at sya ay marami rin natutunan sakin, yun nga lang puro kautuan sa court. Yung mga tipong paano gamitin ang siko, ulo at paa sa laro ng hindi tinatawagan ng foul. Haha.

Araw-araw kaming magkasama ni Mariel at madalas nakasabit si Huget sa mga lakad namin. Ang weird noh? Extended din ang vacation ni Kevin sa probinsya. Everyday kaming laman ng basketball court at laging magkasama na nanunuod ng NBA sa tv, naglalaro ng DOTA, magkatext kahit magkalapit lang kami, magkasamang matulog, nag-aasaran, nagkukuladyaan, etc. In short para kaming bata madalas. Sabi nga ni yaya at ng parents nya, baka daw magkapalitan na kami ng mukha. Lagi nalang kaming magkasama. Naging close pa kami sa pagdaan ng mga araw.

_________________________________________________

"Tol nakakatampo ka naman. Halos tatlong linggo na nakaalis si Mariel mo pero dumadrama ka pa jan. Para naman akong hindi nage-exist nato. "

"I love you Kevin Huget. Ano masaya kana?'

"Wag ka ganyan Mr. MVP. Sige ka baka mainlove ako sayo nyan."

"Eto gusto mo?" umamba ako ng suntok pero nginitian lang ako ng loko. Sinakal ko sya at gumanti naman ng kaliti kaya nakabitaw ako at nagawa nya akong itumba. Ang tagpong yun ay nauwi sa wrestling. Habang sinusulat ko ito ay napapangiti ako dahil hindi ko talaga inisip na may makikilala akong tao na tulad niya. Enjoy sya kasama.

"Pare salamat. Buti anjan ka."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Where stories live. Discover now