Chapter 43

3.6K 119 12
                                    

Ngumiti siya.

"Ah... Ganon ba." tugon niya.

"Sinasabi ko to dahil ayokong maglihim sayo."

Hindi siya kumibo. Tinitigan lang niya ako. Kahit hindi siya magsalita, nararamdaman ko naman ang mga mata niya, malalim pero may sinasabi, malabo pero nababasa ko.

Nilapitan ko siya, tinabihan, inakbayan. Tinitigan ko ang kanyang mukha ng malapitan.

"Mahalaga ka sa akin Kevin."

Hindi ulit siya nagsalita. Inalis niya ang kamay ko na nakaakbay sa balikat niya. Dumusog siya ng kaunti papalayo sa akin.

Sinundan ko siya. Dumusog ako palapit sa kanya. Inakbayan ko ulit siya ng mas mahigpit kaysa sa kanina.

"Ano ba. Nasasakal ako." naiirita niyang sambit.

Hinawakan niya ako sa kamay at pilit niyang inalis ang aking akbay. Lumaban ako pero nagawa parin niya yun tanggalin.

"Sorry Kevin."

Tumayo na siya at inayos ang nagusot na manggas. Tumalikod siya at humakbang papalabas.

"Oh saan ka pupunta?"

"Uuwi na."

Tumayo agad ako, hinabol siya. Hinakawan ko siya sa braso para pigilan.

"Teka. Dito ka muna."

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya pinansin ang aking hawak.

Binitawan ko siya.

"Hintayin moko Kevin. Magpapalit lang ako ng damit. Ihahatid na kita."

Hinubad ko na agad ang sando na suot ko. Mabilis akong kumilos para kumuha ng damit sa cabinet. Hindi ko na nakuhang isuot ang damit na hawak ko sa pagmamadaling bumaba.

Inabutan ko siya na nakasakay na sa kotse, sa driver's seat. Kinatok ang salamin nun at agad naman niya yun binuksan.

"Ako na magda-drive. Masakit pa yang paa mo." sabi ko habang nagsusuot ng damit.

Bumaba naman siya, ibinigay ang susi sa akin at dumiretso na agad sa kabila.

Tahimik lang siyang sumakay. Hindi ako gaanong makapagsalita dahil hindi siya kumikibo.

Mabagal lang ang andar ng sasakyan. Sinasadya ko yun para mas mahaba ang oras na makasama ko siya. Marami kasi akong gustong sabihin sa kanya.

"Tahimik ka."

Hindi ulit siya nagsalita.

Kinalabit ko siya sa balikat.

"Pssst."

Lumingon naman siya pero saglit lang. Agad niya ulit ibinaling ang kanyang tingin sa ibang dako, sa harap, sa daan at kung saan-saan.

Kinalabit ko ulit siya.

"Uy."

Hindi na siya lumingon pa.

Pinitik ko siya sa tenga pero wala... hindi niya talaga ako pinapansin.

Nag menor ako ng sasakyan at inihinto ko sa gilid ng daan.

Humarap ako sa kanya. Sinubukan kong idikit ang puso ko para pakinggan ang puso niya pero nahirapan ako na mailapit man lang yun sa kanya.

"Kevin naman. Ayoko ng ganito tayo."

Sa wakas hinarap din niya ako. Nagkamot siya at pagkatapos ay ngumiti.

"Marky boy, akala ko ba ayaw mo ng drama." Ginulo niya ang buhok ko. "Wag mo sasaktan si Mariel ha, kundi makakatikim ka ulit sa akin."

"Salamat Kevin."

Most Valuable Player (A True Story) (boyxboy) (bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon