Chapter 369

243K 9.6K 7.9K
                                    

Dinner Party

Jay-Jay's POV

Gutom na gutom na ko.

Akala ko pag-uwi sa bahay makakakain na ko. Matapos daanan ang mga gamit ko sa unit ni Kuya Angelo, dumiretso na kami sa bahay. Yakap ko ang dalawang snorlax ko at si Aries naman ang may dala ng bag ko. Pare-pareho kaming nakatanga sa kaguluhan sa bahay.

"Hello Jay!" bati ni Ci-N habang kumakaway.

Pasimple naman akong kumaway sa kanya pabalik.

"Hoy, tulungan niyo ko dito!" sigaw ni Eman at naglakad papuntang kusina.

Sumunod naman sa kanya si Felix, Denzel at Kit. Inaayos naman nila Rory, Edrix at Calix ang sofa sa salas. Ang iba naman halatang nanggugulo lang kagaya ng batang kumag.

May renovation ba sa bahay?

"What is this? What is going on?" takang tanong ni Aries.

Napatingin ako sa balikat ko ng dumaan si Kuya Angelo. Tinignan namin siya dahil baka ikagalit niya ang kaguluhang ginagawa ng mga Ulupong pero parang wala lang sa kanya. 

"Mukang hindi kayo kakasya rito. Ipapalabas ko na lang ang mga kotse, sa garahe na kayo," suhestyon ni Kuya at agad na tumanggi si David.

"Okay na kami dito," sabi pa niya.

"Para mas maganda nga kung sa garahe na lang," sabi ni Mama na biglang sumulpot habang may dalang foldable table.

Agad siyang tinulungan ni Eren. 

Wow, gentleman.

"Sige, ipapalabas ko na ang mga sasakyan," sabi ni Kuya at lumakas palabas. 

Tatangi pa sana ulit si David at mga Ulupong pero nawala ang pinsan ko sa paningin namin. Lumitaw si Tito Julz hawak ang ilang susi ng kotse para siguro tulungan si Kuya na i-park sa labas ng gate ang mga sasakyan.

"Balik na natin, sa labas na lang daw tayo."

"Ito na. Ito na."

Binalik naman ng mga Ulupong ang mga ginalaw nilang gamit. Maging sofa at coffee table inayos ulit nila. Pati maliit na halaman sa ibabaw no'n binalik din.

Ano ba talagang nangyayari?

"Dabid," tawag ko at tumigil naman siya para harapin ako. "Anong nangyayari dito?"

"Kakain sana sa restaurant or fast food kaso ayaw pumayag ng Kuya Angelo mo, sabi niya dito na lang daw sa bahay. Kaya ito, nag-aayos kami ng pupwestuhan nating lahat," paliwanag niya.

Napatingin ako kay Aries na nakasibangot na. Halatang hindi niya gusto ang ideya na dito na naman kakain ang mga Ulupong. Pero kagaya no'n dinalaw ako ng buong Section E na may pagkain wala ulit siya magawa kundi tahimik na magreklamo.

Bibigyan ko na lang siya foods.

Humarap ulit ako kay David at nagpaalam. "Sa kwarto lang ako, ibababa ko lang mga gamit ko."

Ngumiti sa 'kin si David at tinuloy ang ginagawa. Lumakad ako papunta sa kwarto ko at kasunod ko naman si Aries. Pagdating sa kwarto binaba niya ang bag ko at tumalikod na para iwan ako.

Napanguso ako. Sigurado akong naiinis na siya. Hindi pa nga kami tapos mag-usap sa balak niyang paglipat sa unit ni Kuya tapos ito na naman. Hindi ko tuloy masabi kung okay na ba kami o okay na ba ko sa kanya.

Hindi ko naman itatanggi na mabigat pa rin ang pakiramdam ko at minsan nahihirapan akong tignan siya. Ando'n pa rin ang pagiging guilty sa 'kin. Hindi nga ako sigurado kung tama na umuwi na kagad ako dito sa bahay, kaso mapilit siya na umuwi na raw ako.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon