Chapter 370

196K 7.3K 5.1K
                                    

A/N: Congratulation and Thank you for applying on Tambayan ni Eatmore2behappy Facebook Page!!

Sophia Masing

Gella Mae Ovensa

Athalia M. Malinao

Cassandra Ehra Espina

Cecil Garcia

Clindie Maurizza Espiritu


We appreaciate your effort for joining and giving us a support to our events!!

Rheinalyn Cabrillas Fernandez

Jersel Ayen Empon



Dinner Party Pt.2

Jay-Jay's POV

"Sayaw Blaster! Sayaw Blaster! Sayaw Blaster!" sabay-sabay na sigaw namin habang pumapalakpak.

Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at simulang sumayaw. Pinagyabang na naman niya ang matigas niyang balakang. Nagawa pa niyang mag-twerk sa harap ni Sir Alvin at Ma'am Cindy. Pati sina Mama at Tita Gema na nakasilip sa pinto natawa ng malakas sa ginagawa niya.

Muka siyang kulang sa Eskilan.

"Paano ka mag-aartista niyan? Matigas pa sa mahogani balakang mo!" sabi ni Drew habang napapailing.

Huminto si Blas dahil sa malakas naming tawanan. Hinarap naman niya si Drew para sagutin.

"Malamang singing ang talent ko!"

"Pasasayawin ka rin syempre, dapat lahat ng talent meron ka. Paano ka sisikat?" sagot naman ni Felix sa kanya.

Seryoso pala talaga siya sa balak niyang pag-aartista? Akala ko nung una eme-eme lang niya 'yon lalo na nung sinabi niyang composer siya ng kanta. Tapos nung kumanta kalokohan naman ang ginawa. 

Wala eh, ulupong.

Pero ang angas siguro no'n kung sisikat siya. Meron akong ipagyayabang sa ibang tao, 'naging kaklase ko 'yang tukmol na 'yan'. Tuwing makikita ko siya sa T.V. paulit-ulit kong isisigaw na kaibigan ko siya. Naniniwala naman akong maraming hahanga sa kanya, itsura pa lang panlaban na. Sa fiestahan at handaan.

 Kapag yumaman siya sa kanya naman ako papalibre at ng mabawi-bawi ko ang mga pagkain inumit niya sa 'kin. Manghihingi rin ako libreng ticket sa movie or concert niya, kung magkakaroon siya. Basta hindi malalaswa ang palabas, hindi ako papayagan ni Kuya manood ng gano'n. Pero kung adult na ko pwede na siguro, basta hindi niya malalaman. Hehe. Kayalang nakakailang yatang panoorin ang kaibigan mo na gano'n ang ginagawa sa screen.

Kinilabutan ako bigla sa naisip ko. Wag na lang pala. 

Malakas naman dating ni Blaster sa babae kaya malamang na marami ang magkagusto sa kanya. Sa school lang ang daming humahabol sa kanya tapos binabato siya ng notebook o kaya ng sapatos habang minumura siya. 'Di ba ang bilis siyang mahalin ng mga schoolmate namin?

Aabangan ko talaga pagsikat niya.

Napatingin kami kay Denzel ng itaas niya ang cellphone niya.

"Si Grace ba 'yan?" tanong ni Rakki at ibinaba ang hawak na plato para lang makawayan si Grace. 

"Say 'hi' to baby Grazel!" sabi ni Denzel at nagkagulo kami para lang makita sa screen ang muka ng Baby.

"Hello inaanak!" sigaw ko habang kumakaway.

Nakibati-bati rin ang mga Ulupong at sa sobrang excited nilang makita ang bata pinag-agawan pa nila ang cellphone. 

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon