Chapter 371

264K 8.5K 8.2K
                                    

A/N: Hello Kwin Francine. haha


To study

Jay-Jay's POV

Exam na? Agad-agad? Hindi pwedeng mga next-next year pa? Bakit agad-agad?

Ang kinatutuwa ko lang yata sa exam na 'to ay ang pagpayag ni Kuya na hindi ako pumasok ngayon araw. Sabi niya ipahinga ko na raw dahil kakalabas ko lang ng ospital tapos na-impatso pa ko kahapon dahil sa kagustuhan kong makabawi ng lakas sa pagkain ng lechon.

Pero kinukutuban ako sa hindi ko maintindihan na dahilan.

"Bye Aries, ingat ah?" sabi ni Tita Gema habang kinakawayan si Aries na papaalis sakay ng kotse niya...na bigay ng pudra ko.

"Bakit hindi ka pinapasok ng Kuya mo?" tanong ni Mama ng makita niya ko.

Napalingon din sa 'kin si Tita Gema. 

"Ipahinga ko na lang daw."

Parang hindi tanggap ni Mama ang sagot ko pero wala naman siyang ibang masabi dahil kagaya nga ng sinabi ko, si Kuya Angelo na ang nag-utos no'n. Hindi ko naman request 'yon.

"Ayos 'yan, para mahaba ang pahinga niya. Weekend bukas tapos next week start na ng exam nila," sabi ni Tita at ngumiti sa 'kin.

Tinanggap na lang ni Mama ang sinabi ng kapatid niya. Hinarap niya ko at tinanguan. 

"Sige, sulitin mo ang pahinga mo. Mag-review ka na rin."

Sorry pero hindi nagre-review ang mga genius na kagaya ko. Charot. Wala talaga akong maayos na notes na pwedeng gamitin para mag-review. 'Yung mga binibigay na printed lesson naman ni Sir hindi ko na alam kung saan ko nilagay, naitapon ko na rin yata ang iba. 

Bakit ba napakabuti kong istudyante?

Tinalikuran na ko ni Mama kaya dumiretso na ko sa kwarto ko. Balak ko matulog ulit o kaya naman maglaro sa cellphone. Pero inuna kong magpadala ng message sa mga Ulupong.

Ulupong GC

Me:

h3nD! m3 pW@S0c. sAb3h KhUyah p@H!nGa mUna m3.

(Hindi me pasok. Sabi ni Kuya pahinga muna me)

Mayo: Ang putangina! Wala akong maintindihan!

Rory: Aga mo naman magpasakit ng ulo, ano ba yan Jay?

Ci-N: Calls na lang tayo, please. T_T

Edrix: Kung kailangan m ng tulong sa phone Jay, andito lang ako.

Eren: Mata ang may sira dyan, hindi cellphone. Kita mong hindi makapag-type ng maayos, hindi makita yung mga letra.

Umulang ng 'Haha' react ang chat ni Eren. 'Angry' naman ang react ko. Maayos ang message ko. Sila ang may sira sa mga mata. Pero kahit ganyan sila tanggap ko naman sila bilang mga kaibigan. Sadyang hindi lang talaga kami same level ng mga talino. 

Normal 'yon.

Natigilan ako ng mag-ring ang phone ko. Tumatawag ang Hari ng mga Ulupong. Naghintay ako ng ilang ring bago sagutin. Ayoko namang isipin niyang excited akong sagutin ang tawag niya. Mga 0.1 second bago ko pindutin 'yung green button.

"Is there something wrong? Bakit hindi ka niya pinapasok ng school?" bungad niya sa 'kin. 

Pasimple akong napangiti. Siya lang talaga nakakabasa ng message ko ng maayos. Masasabi kong same kami ng level ng talino. Wag lang talaga ako malilingat kapag nagtuturo mga teacher, bigla kasing lumilihis ang lesson tapos hindi ko na nasusundan. 

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon