Chapter 372

160K 5.8K 3.9K
                                    

A/N: Congratulation 🥳 sa lahat ng Tropa na nagsikap sa pag-aaral 🎊. May honor man o wala I'm so proud of you 🎉🥰😘. 


Happy Graduation Day to:

Meriam-july 9 

Joanna- july 7

Rojoana-july 7 

Samantha -july1 

Zaijan - july 14 

Ella - July 10 or 14 

Janisa - aug 7 

Angel Jasmine- july 10 

Gwen- July 7


Also Thank you for joining the quizzes on our official group. 

 - Lian Lora 

- Jaime Janela Villanueva 

- Janina Tish Manglicmot 

- Sab Vouganville 

- Chyna Luna 

- Micaella Jean 

- Maria Samantha Manlangit

- Luisa Mae Domondon 

- Wilma Botones- Stellar 

- Angela Morada 

- Ashley Rovillos 

- Lizza Mae Autor 

- Kyla Mendoza 

- Trixie Matias 

- Janelle Cario 

- Sherwina Rajan 

- Brianna Cabuang 

- Mikaylla Manalo

- Atasha Caraan Hamor


Enjoy reading!!!



Get Back

Jay-Jay's POV

Nagpapasalamat ako at mabilis ang kamay ni Kuya. Agad niyang hinablot ang sobre sa 'kin at tinago 'yon kina Mama.

Para siyang snatcher.

Hindi kaya dating snatcher 'to si Kuya? Dami niyang sideline hindi na ko magugulat kung naging gano'n din siya.

"Wala 'to. Galing lang sa school ni Jay," sabi pa niya habang kalmadong nakatingin kina Mama at Tita Gema.

"Sige. Ang bilin ko. Tumawag ka ng pulis." Pagtanggap ni Mama sa sinabi ni Kuya bago tumalikod at pumasok sa loob ng bahay. 

"Wag mo kalimutan Angelo," pahabol ni Tita Gema bago sumunod kay Mama.

Pag-alis nila tsaka naman sunod-sunod na nagtanong si Percy sa 'min. Daig pa niya Pulis na nag-interrogate ng kriminal. Tumatalsik pa ang laway niya sa 'min.

Pitikin ko kaya lalamunan niya? 

"Ano yan? Ano bang laman niyan? Bakit bigla ka namutla Jay? May nangyayari na naman bang hindi maganda? May kaaway ka na naman ba?"

Hindi ako makasagot. Iisa lang ang nasa isip ko. Si tatlong gustong maghiganti sa 'min isa na lang ang natitira. 

Si Ram na walang jam.

Wala na si Sato, si Jason na wala na kong balita at ngayon si Ram na lang ang may galit sa 'kin. Unless na lang marami pa lang may galit talaga sa 'kin mga nagtatago lang. Pero wala naman na kong ibang naka-away. Maliban syempre sa mga gangsta dyan sa tabi-tabi. 

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon