Chapter 6.

13.7K 420 3
                                    

Nagising na lang ako na nasa clinic na ako ng University.

Pag bangon ko nakaupo si SLY sa gilid ng kama at hawak ang kamay ko.

Dahan-dahan ko naman itong inalis pero nagising pa rin siya.

"How's your feeling? Are you okay? May masakit ba sayo? Ano? answer me or i'm gonna kill that bastard!" Pag pa-panic nito.

Nag nod lang ako dito. Agad naman pumasok si Gretch at Cathleen at lumabas si SLY.

"Did you tell to Mom and Dad?" Tanong ko kay Cathleen.

"No. Are you okay? What happen ba?" Tanong nito. Buti naman dahil paniguradong susugod yun dito.

"Hindi ko alam bigla akong nag block out." Hindi ko talaga matandaan yung nangyari. Bigla ata akong nagka-amnesia.

"Bruks grabe ang haba ng hair mo alam mo ba na hindi mapakali si SLY kanina?"

"Bakit?"

"Grabe bruks buhat buhat ka niya hanggang dito sa clinic. Tapos yung itsura niya guilty-ng guilty."

"Lukaret!" Salita ko dito.

Agad naman pumasok ang University doctor kasama si SLY.

"Pwede ka ng umuwe Miss Catherine." Salita ng Doctor.

Inalalayan ako ni SLY sa pag tayo ko ng kama at palabas ng clinic.

Nang mapansin ko ang mukha ni SLY na namumula ang gilid ng labi agad kong naalala ang nangyari kanina agad akong pumiglas sa pagkaka-hawak niya.

"What's wrong?" Tanong nito.

"Anong what's wrong, what's wrong ka dyan! Pwede ba kung makikipag away ka huwag sa harapan ko. Utang na loob Liam gusto ko pang mabuhay! Kung ganito lang din ayoko na!"

Nagulat naman ang mga kaibigan nito sa sinabi ko at biglang umalis si SLY.

"You JERK!!! Ikaw pa may gang mag walk out!!" I scream. Siya pa talaga may ganang mag walk out eh siya ang dahilan bakit ako hinimatay.

Inaya na akong ihatid ni Paulo kasama si Catherine. Si Gretch naman ay sinundo na ng driver nila.

Habang naglalakad kami ay nauuna si Cathleen kaya nakapag usap kami ng maayos ni Paulo.

"Anong tingin mo kay SLY?" Tanong nito sa akin.

"Basagulero, walang pangarap sa buhay, yaman lang gusto, happy go lucky, gangster!" sagot ko dito. Diniin ko talaga yung gangster dahil ayun naman talaga siya.

Natatawa naman si Paulo ng marinig ito.

"Mabait si SLY, kung alam mo lang na nahihiya siya sayo at kung gaano kataas ang tingin niya sayo."

Seryosong kwento ni Paulo.

"Kung bibigyan mo lang ang sarili mo ng chance na makilala siya, baka matutunan mo rin siyang mahalin. Alam mo ba na ikaw ang perfect girl for him?"

"I'm not perfect, mahirap maging perpekto lalo na sa standard ng Lolo't Lola ko." Sagot ko dito.

"But you are. You are perfect for him, you are perfect for m... Master."

"Kung perfect pala ako sa kanya sana hindi niya pinapasakit ang ulo ko."

"HAHAHAHAHA!" tawa ni Paulo.

Agad kaming sumakay ng kotse ni Paulo naupo ako sa harapan at si Cathleen naman sa likuran.

Nilingon ko si Cathleen na nakasuot ng headset kaya kinausap ko si Paulo.

"Paulo bakit ganoon si SLY walang takot?"

"Kailangan niya yun Catherine, kailangan niyang maging matapang para hindi siya maapi ng ibang tao. Simula ng mamatay ang parents ni Sly tinuruan siya ni Mamita na maging matapang at tuso para hindi pag samantalahan ang pagiging isang Montgomery nito."

"Ibang klase naman ang tapang na nananalaytay sa kanya eh, tingin ko kaya niyang pumatay." Napaka-war freak kasing tao ni SLY kala ko noon sabi-sabi lang na mainitin ang ulo niya. Pero ngayon napatunayan ko na, halos manglisik ang mata nito sa galit sa lalaki kanina ng tangkain ako nitong lapitan.

Bigla naman na-preno ni Paulo ang kotse at napahinto ito.

"Pwede mo bang tawagan si Sly at humingi ng sorry sa kanya?" Salita ni Paulo.

"Ano ako? Si Catherine Jamal Manalang hihingi ng tawad? Are you crazy?"

"Oo ikaw naman may kasalanan eh."

"The fudge! Anong ako siya tong nanuntok ng tao bigla bigla eh. Ako pa may kasalanan."

"Hindi tungkol dun." Sagot ni Paulo.

"Eh saan?"

"For calling him Liam. Yun kasi ang tawag ng Mommy niya sa kanya."

**********

Sorry po kung medyo maigsi ang update na 'to. Hope you like it :)

Votes and comments are highly appreciated guys! Apir!

Ride or Die?Where stories live. Discover now