Chapter 29.

9.2K 291 3
                                    

Cathleen's POV

Dalawang araw ng nawawala si Ate kaya nag papanic na kami. Humingi na kami ng tulong sa mga pulis, at hiningan na rin ng statement ang dalawang guard na nakabantay sa entrance ng subdivision, na ang sabi ay sumakay si Ate sa itim na Van.

Agad na bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Daddy at Mommy.

"What happen?" Tanong ni Daddy sa mga pulis.

"Ate is missing." Salita ko kay Daddy at inakap ito.

Tapos ay may inabot ng pulis ang report pad kay Daddy at umupo sila.

"Here drink it." Salita sa akin ni Kurt. Agad ko naman inabot ito at saka ininom.

"Asan ba si SLY at Paulo?" Tanong ni Patrick na kanina pa may tinatawagan sa cellphone.

"Cathleen did you already call your ate's phone?" Tanong sa akin ni Mommy.

"Yeah, but she's not answering." I answered.

"Cris, what are we going to do?" Tanong ni Mommy kay Daddy na pabalik balik ang lakad. Tapos ay tumayo si Daddy at nakipag kamay sa mga pulis.

Inakap naman ni Daddy si Mommy tapos ay pinalapit ako nito sa kanya.

Laking gulat namin ng biglang kumalabog ang pinto ng main door at iniluwa nito si SLY, Paulo at Roman.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Patrick.

"Sir!" Tawag ni SLY kay Daddy at agad na kumalas si Daddy sa pagkaka-akap sa amin ni Mommy tapos ay nag lakad papunta ng Garden kaya sumunod kami ni Mommy.

"Cathleen stay here." Utos ni Daddy at silang tatlo lang ang nag usap.

Kita namin mula dito sa sala ang pag uusap nila ng biglang nag ring ang phone ko.

[Dward]
[How's Catherine?]
[She's miss...] Hindi pa ako tapos mag salita ng inagaw sa akin ni Daddy ang cellphone ko.

"Don't tell Edward what's going on." Salita ni Daddy at nag nod lang ako rito.

Tapos ay umakyat sila nila Mommy kasama si SLY sa second floor kung saan ang opisina ni Daddy.

"Paulo anong ngyayari?" Tanong ni Patrick kay Paulo.

"Hayaan nalang natin na sila ang magsabi." Sagot nito tapos ay naupo na kaming lahat sa sala.

May kalahating minuto na ang nakakalipas pero tahimik pa rin sa pagitan namin.

-Patrick's POV-

Nakalipas ang isang oras ay lumabas na ng opisina sina SLY at sina Mr. and Mrs. Manalang ay tahimik parin kami hanggang sa tinawag kaming lahat agad kaming nag si tayuan.

"William Ong is the mastermind of this. Zoe Ong is dead." Salita ng Daddy ni Catherine na walang makikitang reaksyon
.
Kung tutuusin ay kanina pa siya ganyan, simula ng dumating sila. Para siyang si SLY parang silang dalawa ang mag-ama dahil sa parehas nilang ugali kung paano at kailan magbibigay ng reaksyon sa isang bagay.

Hanggang sa mayroon ng mga tauhan na dumating na sa tingin ko ay mga Philadelphia dahil sa mga tattoo nito.

Isa isa kami nitong inabutan ng baril at bala. Nang inabot naman kay Shaider ang isang pistol ay hinarang ito ni SLY, he is my assasin. Salita nito at kinuha ang sniper rifle sa lamesa at inabot kay Shaider.

"Patrick, you and Elmira will defused all the bombs in the area. If there is. "Salita nito pagtapos ay may lumapit sa akin na babae.

"Roman, check Catherine's GPS now." utos nito at agad na binuksan ang laptop niya.

Ride or Die?Where stories live. Discover now