Chapter 25.

10.4K 275 2
                                    

"This is a semi-auto pistol" Salita ni Sly habang hawak ang isang klase ng baril.

"As you can see, there is also a sight here where you can shoot smoothly your target. you can slide and it will move to load cartridges ." Halos pang apat na baril na itong pinapakita sa amin ni Sly. Una ay yung revolver medyo astig lang yun, actually pare-parehas lang sila ng mga part. Medyo magulo lang sa pangalan.

"Are you listening gel?" Tanong nito habang hawak ang pistol.

"Yah." Sagot ko rito.

"You should." Salita nito pag tapos ay lumipat naman sa isang lamesa kung nasaan ang mas malalaki pang baril.

"This one is a sniper rifle." Salita nito habang hawak ang baril.

"Sly parehas lang ba yan nung kanina?" Tanong ko rito.

"Nope, rifle is used by the sniper to achieve better stability when standing, kneeling, or sitting. The sniper uses the sling to lock-in by wrapping his non-firing arm into the sling forcing his arm to be still. " Salita nito at nilapit ako sa kanya pag tapos ay pinasilip ako sa lens ng scope.

"Shaider is our assasin. He's good in this one." Salita nito pag tingin ko naman kay Shaider ay kumindat lang ito.

May limang malalaking baril pa siyang itinuro sa akin kung para saan at ang mga parts nito pero halos rifle lang ang tawag yung isa lang ang iba.

Dalawang oras na kaming tinuturuan ni Sly para kaming nasa exam na tinatanong ng paulit ulit kung anong tawag sa baril, mga parts nito. Kung paano maglagay ng bala at paano aalisin ito.

Pag tapos ay sa mga iba't ibang grenade naman.

"Kuya baka sumabog yan." Salita ni Cathleen at lumapit sa akin.

"Don't worry walang mga laman yan."

May hinawakan naman isang grenade si Sly na kulay pula ang ibabaw at itim ang ilalim.

"This one is a chemical and gas grenades this were designed to burn or to release a gas, and not to explode." Paliwanag nito tapos ay inilapag na ang isang grenade at may kinuha naman panibago.

"Smoke grenades are used as ground-to-ground or ground-to-air signalling devices, target or landing zone marking devices, and devices for unit movement."

Pare-parehas lang din naman ang itsura ng ga granada na to yun nga lang magkakaiba ng gamit. Medyo nakaka-inis lang kasi ang daming pangalan.

"Gel are you still listening?" Tanong nito sa akin.

"Oo, kaso napapagod na ko makinig." Salita ko rito.

"Ako rin Sly mas gusto ko na yung practice." Singit naman ni Cathleen.

Parehas pala kami ni Cathleen ng gusto, astig sana malaman kung ano-anong klase mga ginagamit nila kaso nakaka-boring makinig.

"Yown" Salita naman ng Lyrical Assault habang nag iinit pa, na parang nababagot na rin sa pakikinig kay Sly.

"Ginagago niyo ba ko?" Tanong nito.

Nag ilingan naman kaming lahat habang pigil ang tawa.

"Then we were gonna do an actual." Salita nito tapos ay inakbayan ako at naglakad na palayo. Nag sunuran naman ang iba pang L.A

Sa dulo ng rest house nila Paulo ay mayroon backyard shooting range.

"Ui firing range." Salita ni Cathleen tapos ay lumapit sa isang bulleye paper.

**meanwhile**
-Catarina's POV- (Catherine and Cathleen's mom)

"Hon sigurado ka ba na wala kang gagawin?"

Isang malaking kalokohan na walang ginawa ang asawa ko para iligtas ang mga Anak niya, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"I know what I am doing." Salita nito.

"Ganoon kalaki ang tiwala mo sa bata na yon? Your daughters is in dangered." Salita ko rito dahil sa pagbibigay tiwala nito kay SLY na protektahan ang mga anak ko.

"You should trust him, as how you trust me way back when you marry me and found out that i am a part of Mafia."

"But he's not a Mafia, Cris."

"He is the leader of Lyrical Assault, you know that Lyrical is not just a gang. He beat Zoe's organization that's why Zoe is here."

-End of POV-

6:00 PM

-Kurt's POV-

"I think i'm inlove."

"Kanino kay madam?" Tanong sa akin ni Patrick habang pinapanuod ang mag kapatid na nag firing shoot.

"Gago! Kay Cathleen." Salita ko rito.

Unang araw ko palang itong nakita sa bahay nila napahanga na ako nito sa ganda niya, lalo ko pa tong nagugustuhan sa tuwing makakasama namin ito.

"G! Ayan na palapit na sila." Salita naman ni Patrick.

Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko para paupuin si Cathleen.

"You need a precision driver. Ours is Kurt. " Salita ni Sly sa amin.

"I got it already." Salita naman ni Catherine dito at biglang tumingin kay Cathleen.

Tang*na ang astig talaga nitong mag-kapatid na to, ganito ba talaga ang anak ng mga Philadelphia o sila lang dalawa?

"Huwag mo sabihin ako yung tinutukoy mo?" Tanong ni Cathleen sa kapatid nito.

"Yah!" Pag tapos ay binato nito dito ang susi.

"Hindi lang basta dapat marunong ka bumaril baby girl, dapat ay mabilis ka din mag drive." Salita ko rito na parang hinahamon, gusto kong makita ng dalawang mata ko kung gaano siya karunong mag drive.

"She beat her best friend in a car racing Kurt, so don't under-estimate her."

Whoah!! Takte ilan pa ba silang magkakaibigan na ganito ka astig?

"Phila.."

"KURT!!" Sigaw naman ni Sly sa akin kaya bigla akong natahimik agad naman na tumingin sa akin ang mga kasama ko kabilang na ang magkapatid.

Hindi nga pala alam ng mga ito na anak sila ng Philadelphia.

"Pilantropo!" Salita ko para lang makaiwas.

"Okay na ung mga barrels G!" Salita ni Patrick.

"Naayos mo agad?" Tanong ko rito.

"Naman, para makita ko kung gaano ka ka-in.."

"Bwaaah!!" Daing nito ng isang malakas na bigwas ang binigay ko.

Nagkamali siya ng tinabihan, papahamak pa ko ng gago!

"Let me see your tokyo drift driving skills baby girl!"

"Baby girl mo your face!!" Sigaw naman nito sa akin.

Agad itong naglakad papunta sa kotse niya.

"That's my girl!" Salita ni Catherine na proud na proud sa kapatid niya.

Pero potek halos malaglag panga ko ng makita ko kung paano mag drive itong si Cathleen.

"Madam, totoo bang car racer yang kapatid mo?"

"HAHAHA!! Hindi, sadyang pinagpala lang yan." Sagot naman nito na parang nakakaloko, na halos mahawa na kay Sly sa pagka pilosopo.

Nang huminto ang kotse ni Cathleen ay nag-lapitan kami rito at tinignan isa isa ang barrels. Pero potaena wala man lang nagalaw sa mga ito.

"It's your turn Kurt. She done in just 1 minute." Salita ni Sly at ako naman ang sumakay sa kotse nito.

Agad kong inapakan ang engine at sinakto sa 100kmph tsaka ko inumpisahan mag drive, malalaki ang uwang ng barrels kaya paniguradong wala rin gagalaw sa mga ito.

Ride or Die?Where stories live. Discover now