Chapter 36.

9K 234 3
                                    

-1 year later-

Nagpapasalamat ako sa Diyos na naging mapayapa ang isang taon na dumating. Si Sly na ang nagpapatakbo sa Montgomery at lahat sila ay Graduate na pero as usual wala pa rin mga work. Ako nag OJT bilang legal assistant ng Personal Lawyer nila SLY sa mismong kumpanya nila.

Yung Lyrical Assault gusto daw muna i-enjoy ang 2 taon na hindi gigising ng umaga at walang hussle sa buhay.

Pag tapos akong ipakilala last year bilang bagong miyembro at ang mag papatakbo ng Philadelphia when I reach the age of 25, si Mommy muna ang magiging acting President ng Philadelphia.

Halos tahimik ang mga buhay namin, pag tapos ng mangyari yung kay Caleb lahat kami ay namuhay na parang normal ulit na mga tao.

"Let's bow down to the Queen." Salita ni Cara sa mic ng lumabas si Mommy sa isang stage. Para ngang Reyna si Mommy sa suot niyang Cream Gown na may feathers sa ilalim at may cape na kulay pula.

Halos lahat ng miyembro ng Mafia ay nag bow kay Mommy.

"Queen." Tawag ni Cara dito at inabot ang Mic.

"Welcome to the 71st Anniversary of Philadelphia!" Salita ni Mommy tapos ay nagpalakpakan lahat ng tao.

Napaka elegante ng lugar, ngayon ko lang na-realize na tuwing January 30 ay lumuluwas sila Daddy galing business at umaalis na eleganteng elegante ang suot, ito pala ang dahilan.

Pag tapos mag salita ni Mommy ay umupo ito sa gitna kung saan mayroon upuan na parang sa mga royal family.

"Good evening Princess." Bati sa akin ng isang lalaking naka mascara with a black tuxedo.

Pag lingon ko ay yumuko ito na nasa harap ang isang kamay.

"I am Lucas Black, i am one Philadelphia's special forces." Pakilala nito na parang nasa 25 lang ang edad.

"My pleasure to meet you." Salita ko at tumayo sa kinauupuan ko.

Nagulat naman ako ng tumayo si Patrick at nag bow din sa akin.

"Princess, i am Patrick De Guzman one of the member of Lyrical Assault." Salita nito.

Halos mag tawanan naman kaming lahat na naka-upo sa round table.

"I was around if you need me, Princess." Salita ni Black tapos ay umalis na.

"Para sa amin ikaw pa din ang Madam ng Lyrical." Salita ni Shaider tapos ay uminom na ng whisky.

"Asan nga pala si Sly?" Tanong ko sa mga ito.

"Kanina kausap ni Queen eh." Sagot ni Paulo.

Pero pag lingon ko kung saan ang pwesto ni Mommy ay wala doon si Sly.

Hanggang sa mag-umpisa na ang program, at halos bagot na bagot ang mga itsura namin dahil sa tugtog ng orchestra habang nag sasayawan ang matatatandang miyembro ng Philadelphia

"Sana tayo na lang pinag organize ni Mommy." Bulong ni Cathleen sa akin.

"Pwede naman eh." Salita ni Kurt dito.

Bilang na bilang lang sa daliri ang tuwang tuwa sa program, at halos lahat ay mga tanders pa. Halos lahat ay mga ka-edad na ni Cara na nasa 29 lang.

"I have an idea." Salita ko tapos ay tumayo na at naglakad kung saan may kausap si Cara na isang lalaki.

"Cara." Tawag ko rito.

"Princess." Sagot nito tapos ay nag bow sa akin.

Yung kausap naman ni Cara ay nag bow din.

Ride or Die?Where stories live. Discover now