Chapter 7.

13.4K 423 7
                                    

Agad kaming pinag buksan ni Manang ng gate at binalita sa amin na umalis na sila Daddy patungong San Francisco.

"Ha? ang bilis naman?" Tanong ko rito.

Lumabas naman si Paulo ng sasakyan niya para magpaalam sa'min ni Cathleen na uuwi na siya,

"Pasok ka muna Paulo, dito ka na mag dinner." Aya ni Cathleen.

"Thanks pero nakakahiya sa parents niyo." Sagot nito.

"Wala sila." Sagot ni Cathleen.

Agad naman kinuha ni Manang ang mga bag namin at pumasok na sa loob ng bahay.

Inaya ko naman si Paulo na pumasok para makapag pahinga. Agad kong inusisa si Manang kung bakit ganoon kabilis umalis sila Daddy.

"Sinabi lang po nila na nag patawag Emergency meeting si Mr.Ricohermoso dahil sa isang business nila sa Macau."

"Ah ok. Paghain mo na kami Manang. Salamat" Sagot ko dito.

Pinuntahan ko si Paulo sa sala para bigyan ng juice at maka-kwentuhan pa.

"Paulo marami akong gusto malaman, bakit ako ang napili niyo na pag tripan?"

"We're not tripping Catherine, alam ko na ikaw ang tamang babae na maipapa-kilala namin kay Mamita."

"Pero marami pang iba dyan." Sagot ko dito.

"Ayaw namin sa iba, ayaw mo ba? Hindi ka na pwedeng umatras Catherine naka -pirma ka na sa kontrata."

"Ha? Anong naka-pirma? wala akong pini-pirmahan! Pinabasa lang nila Patrick sa'kin about the contract."

"Hahaha! Once you read it, it means na pumapayag ka na maging girlfriend ni Sly."

"Ano?! Mga sira ulo pala kayo eh, sabi lang nila basahin ko. Kaya binasa ko!"

"HAHAHA!" Sa sobrang lakas ng tawa ni Paulo pati ako napa-sabay na rin.

"Ate,kain na tayo." Aya ni Cathleen.

Inaya ko naman si Paulo na kumain at huwag mahiya dahil kami lang naman ang tao sa bahay.

"Kuya Paulo, ikaw ba may girlfriend na?" Seryosong tanong ni Cathleen.

"H'wag mo na ko i-kuya. sa tingin mo?"

"You're definitly a heartbreaker." Sagot ko naman.

"Hahahah! Sana nga." Sagot naman ni Paulo.

"Ikaw Cathleen meron ka na bang Boyfriend?" Tanong nito habang natatawa.

"Wala pa, walang magka-mali."

"Okay lang yan, you're too young to fall in love." Seryosong sagot nito.

"Paulo si Sly ba pang ilang girlfriend na si Ate?"

Sa mga tanong ni Cathleen nagmu-mukha siyang bata,para bang pitong taong gulang na walang alam sa mundo.

"Pangalawa." Seryosong sagot nito at biglang nag iba ang mood. Sa totoo langga bipolar silng magkakaibigan.

"Pangalawa? Si Ate pang first boyfriend pa lang siya. Tapos favour lang,kawawang ate."

"Cathleen!" Pag saway ko dito. Nabuking pa tuloy ako dahil sa kadaldalan nitong batang to.

Bigla naman tumingin sa akin si Paulo na parang nagulat sa nalaman niya.

"Kumain na kayo."

Dere-deretso lang ang pagkain ko hanggang sa matapos na ako.

"Excuse me." Paalam ko sa dalawa para tumayo na nang makatapos ako kumain.

Agad kong kinuha ang yosi sa bag ko at pumunta sa Garden ng bahay.

Wala pang ilang minuto ay sumunod na sa akin si Paulo.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito.

"What do you think?"

" smoking, pero di ba bawal nga?" Tss. Bawal? Bawal pag kasama ko si SLY.

"Pati ba naman ikaw?" Salita ko dito.

"Hay! Bahala ka nga basta wala akong kinalaman diyan." Sagot nito sa akin sabay kuha rin ng yosi sa pocket niya at nag sindi.

May tatlumpong minuto na siguro ng matapos kami mag-yosi ni Paulo pero wala pa rin kaming imik sa isa't-isa.

Matagal lang akong naka-tingin sa malayo kung saan tanaw ang mga street lights.

Pero sa gilid ng mata ko ay nakikita kong naka-tingin sa akin si Paulo mula pa kanina.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko dito ng hindi siya nililingon.

"Wala, naisip ko lang kung meron kang nakikita na hindi ko nakikita." Sagot nito.

Pag lingon ko sa kanya ay nag sindi na naman siya ng sigarilyo at ini-lagay sa pocket niya ang lighter.

"Sorry if we put you on this situation. Kung alam ko lang na--" Hindi pa siya tapos mag salita ay inunahan ko na siya.

"Na hindi pa ko nagkaka-boyfriend?" Dugtong ko dito.

Nag nod lang siya at tumingin sa akin.

"Gusto ko lang tulungan ang kaibigan mo." Seryosong sagot ko.

"And alam ko naman na hindi niyo ko tatantanan kung sakaling humindi ako." Dugtong ko.

"Remember the first day when you and Sly met?" Tanong nito.

"That bastard!" Napapailing na sagot ko.

"We saw him kissing you, and there's a spark."

"Spark?"

"Juan Paulo Blanco are you kidding me? A gangster like you believe in spark?"

"Nakakahiya man pero oo."

"Hahahahaha!" Malakas na tawa ko. Hindi ako makapaniwala na ang isang gangster na si Paulo ay naniniwala sa spark.

"Sh*t! Ganoon ba ko ka-baduy para pag tawanan mo?" Inis na sabi nito.

Hindi pa rin ako tumitigil sa pag tawa hanggang sa maiyak na ko pero si Paulo halata sa mga mata niya na sobrang inis na siya.

"Catherine! Ano ba stop making fun of me." Inis na sabi nito.

"Hahahaha! Ok fine. I'm sorry!"

Pinipigilan kong tumawa para hindi tuluyan mainis si Paulo.

"Bahala ka nga diyan." Salita nito at naglakad na parang aalis na.

"Ui wait lang, Sorry na!" Sigaw ko dito.

Nang may biglang may ilaw na parang flash ng camera. Agad naman lumapit si Paulo and grabbed me at my waist and cover my face at palinga-linga lang ito.

"Pumasok ka sa loob. Lock all the windows and doors and possible exit door."

Agad ko naman itong sinunod kahit hindi ko alam ang nangyayari.

Pagbaba ko ng second floor ay may kausap ito sa cellphone at mukang nagpa-panic na nagagalit.

Agad ko itong pinuntahan para tanungin kung ano ang ngyayari.

"Wala, may gagawin ka ba? Gawin mo muna, sabihin mo kay Cathleen huwag lumabas ng kwarto."

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Basta!" Sagot nito.

Agad akong pumunta sa kwarto ni Cathleen para ayain pumunta sa kwarto ko at bantayan ako habang nag sho-shower.

***

Votes and comments are highly appreciated guys!! Hugs!!!

Ride or Die?Where stories live. Discover now