Chapter 20.

11.9K 313 3
                                    

Catherine's POV

I am wearing a black off shoulder gown with a swarovski in the part of the chest.

Si Cathleen naman ay kulay gray na cocktail dress ang suot.

Hindi raw makakarating sina Mom and Dad sa engagement ko dahil sa isang business trip.

Hindi na rin ako nag imbita ng kaibigan dahil sa hindi naman ito totoong engagement party. At pag tapos ng tatlong buwan ay tapos na ang pagpapanggap.

Pag tapos kong mag suot ng hikaw ay biglang kumatok si Cathleen sa kwarto ko.

"They are here." Salita nito.

Agad kong binuksan ang pinto at kinuha ang silver pouch ko.

Kita ko sa second floor na nag aantay si Sly habang hindi mapakali.

"SLY." Tawag ko rito.

Agad naman itong tumingala at naglakad patakbo sa hagdan para alalayan ako.

Ngumiti naman ako rito at nagpasalamat.

Nasa main door nakapila at nag hihintay ang iba pang Lyrical Assault.

Pag lapit namin ay pinagbuksan kami ni Shaider ng pintuan.

Agad kaming sumakay sa kotse at after 1 hour ay nasa Hotel na kami nila Sly.

Nakalagay sa labas ang isang tv monitor habang nag naka-announce ang event about our Engagement Party.

Masyadong maraming nag-aantay sa elevator pero ng papalapit na kami ay nag alisan ang mga ito at nag bigay daan sa amin.

Sa 5th floor ng hotel ginanap ang event sa labas ay mayroon mahabang lamesa para sa mga visitors passes.

Agad nag yukuan ang mga attendant ng makita kami ni Sly na naglalakad papalapit.

Nauuna kami ni Sly at sa likod namin ay sina Patrick,Paulo at Cathleen.

Sa likod nila ay si Shaider,Kurt,Jarold,Jetro at Roman.

Pag bukas ng lalaking attendant ng pintuan ay bumungad sa amin ang naglalakihang chandelier, mahabang red carpet, napakaraming lamesa at may orchestra sa parang terrace.

black,silver,gold ang theme ng party.

Maya-maya ay sinalubong kami ni Mamita kasama ang limang body guard.

Lumapit naman kami rito at nag mano ni Cathleen.

"Good evening po." Bati naman namin ni Cathleen.

Ngumiti naman ito at tumingin sa likuran namin kung nasaan ang pitong Lyrical Assault.

Nang laki naman ang mga mata ko ng may mga kasama na itong babae except kay Paulo.

Nag madalian naman itong naglakad kay Mamita at nagmano.

Ang mga babae naman isa-isa rin lumapit pero hinarang ni Mamita ang kamay niya nang ang isang babae ay akmang bebeso. Sa halip ay pinag mano ni Mamita.

Naglakad na si Mamita kasama ang lima niyang bodyguard papunta sa mga bisita.

"Let's go?" Alok ni Sly.

Isa-isa naman kaming nag-lakad papunta sa isang round table.

Nang akmang uupo na ako ay hinawakan ni Sly ang braso ko. Nang tinignan ko ito ay tumingin ito sa harapan kung saan mayroon stage na mababa at isang lamesa na may tatlong upuan.

Agad akong tumayo. Humawak naman ako sa braso ni Sly at naglakad na papunta sa harap.

Ini-usog ni Sly ang upuan para maka-upo ako at nang lumapit si Mamita ay inalalayan niya rin ito para maka-upo bali nasa gitna namin si Sly.

Ride or Die?Där berättelser lever. Upptäck nu