Chapter 55¥.

6.7K 203 2
                                    

-2 weeks later-

"As we light the candles, one is represent Paulo and one is represent Giselle they come here as individuals but to join here to become as one." The ceremony started when Shaider and I lit the candle while Pastor explaining the symbols of candles in wedding.

Paulo and Giselle decided to have a Christian Wedding Ceremony since it was a beach wedding. In a Christian wedding nauuna minsan sindihan ang kandila to start the ceremony saka maglalakad ang mga Principal sponsor. Si SLY ang best man at si Cara naman ang maid of honor.

Nabigla na lang kami ng pumunta sa amin si Paulo para i-abot ang invitation ng kasal nila ni Giselle.

Oo na lang pala ni Giselle ang hinihintay ni Paulo dahil ayos na pala ang lahat bago pa ito mag propose kay Giselle. Medyo kinilig pa nga ako habang kini-kwento sa amin ni Paulo kung paano niya pinag handaan ang araw na ito. Sikreto rin kaming pinasukatan ni Paulo ng isusuot namin, nalaman na lang kahapon ni Giselle na ngayon na ang kasal niya at sobrang saya nito.

As we all looked at Giselle started to walk in the aisle, with her simple white off shoulder dress and a flower crown on her head, kita ko ang pag patak ng luha nito habang naglalakad dahan-dahan papunta sa gitna kung nasaan si Mommy na nag aantay sa kanya. Si Mommy kasi ang mag hahatid kay Giselle sa altar since wala na itong Magulang.

Nakakatawang isipin na hindi man lang ito nagawa ni Mommy sa'kin. But no bitterness, I am happy that they're not just respecting Mom as a Queen, but how they're treating her as their real Mother.

Then the homily started. Medyo naiiyak pa ko kasi sobrang ganda ng homily ng Pastor hanggang sa matapos ito.

"Paulo, do you understand and accept this responsibility, and do you promise to do your very best each day to create a loving, healthy, and happily marriage?"

"Yes, I do!" Tugon ni Paulo.

-----

"You're too emotional." Salita sakin ni Sly habang naka-upo at nanunuod kami sa pag sayaw nina Paulo at Giselle.

Hanggang sa matapos kasi yung wedding naiiyak pa din ako.

"I'm just happy for them." Sagot ko rito.

"Ah." Tugon ni Sly at saka ininom champagne na hawak nito.

"May I take this dance?" Nagulat naman ako ng biglang tumayo ito ng nakalahad na ang kamay sa akin.

Agad akong tumayo saka kami nag lakad ni Sly sa gitna kung saan mayroon na rin mga sumasayaw.

"Baka matunaw ako Wife." Salita ni Sly habang natatawa.

Nakatitig lang kasi ako sa mukha nito habang sumasayaw kami. Hindi ko alam basta ang sarap lang titigan ng mukha ni Sly pakiramdam ko may katabi akong anghel.

"G, pwede bang ma-isayaw si Madam?" Sabay naman kaming napalingon kay Kurt ng bigla itong nag salita.

Siningkitan ko naman ito ng mata. "No." mariin na sabi ni Sly.

"Pfft!" Pigil kong tawa, si Kurt naman ay napa-kamot sa batok nito.

"It's okay." Salita ko kay Sly. Agad naman nitong binigay ang kamay ko kay Kurt.

"Yown!" Salita ni Kurt, pero hindi pa nito nahahawakan ang kamay ko ay nag salita na si SLY. "I'll give you 3minutes."

Si Kurt naman ay sumaludo lang rito saka, yumuko ng bahagya habang naka-lahad ang kamay sa akin.

Agad ko naman pinatong ang kamay ko sa kamay nito pag angat ni Kurt ay sinamaan ko agad ito ng tingin.

"Anong problema mo?" Tanong ko rito.

Ride or Die?Where stories live. Discover now