Chapter 49.

7K 227 3
                                    

-Cathleen's POV-

Agad kaming tumungo ni Kurt sa exit ng hospital pagkatapos sabihan ni Kurt ang nurse na ilabas lahat ng pasyente at unahin ang mga bata.

Konti pa lang ang nailalabas namin at nasasakay sa ambulance ng biglang dumating si Ate saka pinapasok lahat ng bata sa loob.

Hinigit ni Kurt ang kamay ko saka nilagyan ng kadena ang pinto at ini-lock.

"Give me a gun!" Salita ko rito ng makita kong papalapit ang mga tauhan ni Cody.

"Diyan ka lang sa tabi ko!" Salita nito.

Peste talaga mamamatay na lang kami feeling strong pa rin ang loko!

Agad kaming pinaulanan ng bala ng mga tauhan ni Cody mabuti na lang at naitulak ako ni Kurt sa isang sasakyan kaya agad akong nakapag-tago saka nito inabot ang isang baril sa akin.

"Dito ka lang sa likod ko!" Salita ko rito at ngumisi.

Si Sly naman ay nasa kabilang sasakyan sa harap ko at sinesenyasan kami ni Kurt na tumakbo.

Agad akong niyuko ni Kurt saka naglakad ng patakbo, dinig ko ang pag papaulan ng bala nina Sly at Kurt na nasa likod ko habang tumatakbo ako. Nakita ko ang isang tauhan ni Cody na naka handusay sa sahig agad kong kinuha ang baril nito saka binabaril isa-isa ang bawat makakasalubong namin.

Para kaming may shield na hindi man lang tinatamaan ng bala dahil sa bilis nina Kurt at Sly na patumbahin ang mga nasa gilid na hindi ko halos napapansin.

Agad kong binato ang baril na nakuha ng wala na itong bala. Hanggang sa hinigit ako ni Kurt pakaliwa at nakita ko si Sly na papunta ng pakanan.

"Si Sly!" Salita ko kay Kurt.

-Paulo's POV-

Naka rinig kami ng putok ng baril mula sa kwarto nina Catherine kaya agad kong kinuha ang baril ko sa likod ng pants ko at sinilip ito.

Kitang-kita ko kung paano bumabagsak isa-isa ang mga nagtatangkang pumasok sa kwarto ni Catherine.

"They are here." Salita ko kay Giselle.

Agad nitong kinuha ang baril niya sa cabinet na katabi ng hospital bed niya saka inalis ang hospital robe nito at iika-ikang naglakad papalapit sa akin.

"Let me do my job." Salita nito.

Wala akong magawa kung hindi pag bigyan si Giselle dahil alam ko naman ang sinumpaan nitong tungkulin bilang isang Special forces ng Mafia.

I already called Patrick na nasa Phoenix para sabihin na kailangan namin ng back up dahil sinugod kami ng mga Brown Republic at anim lang kami rito.

Pag labas namin ng kwarto ay nakita kong nag babaan ang mga pasyenteng bata kasama ng ibang doctor at mga nurse.

"Kami na ang bahala. Tell to the security to locked all the entrace and exit. We will make sure that everything is in our control! We will secured the third floor at walang makakapasok isa sa kanila. " Salita ko sa mga ito pero hindi nito maiwasan mag panic.

Agad kaming sumakay ng elevator ni Giselle pero pag bukas nito ay agad tumumba ang lalaking nag aabang sa amin.

"How did you know?" Tanong ko kay Giselle ng binaril nito ang lalaking nag aabang sa amin.

"Instict." She answered.

"Careful babe!" Salita ko rito dahil sa bilis ng galaw nito.

"I will!" Sagot nito ng may binaril sa likuran ko.

Halos hindi ko na alam kung sino ang natatamaan ko dahil sa dami ng tauhan ni Cody.

Sinabit ko lahat sa leeg ko ang baril na nakukuha ko sa mga tauhan ni Cody na bumabagsak.

Ride or Die?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant