Chapter 23.

11.1K 350 6
                                    

Sa isang buwan namin magkasama ni SLY ay nakikilala ko siya unti-unti.

Minsan seryoso, mainitin ang ulo,seloso at higit sa lahat ay kung gaano niya kamahal ang Lyrical Assault.

Marami pa rin pagkakataon na madaling uminit ang ulo ni Sly pero nasasanay na ako.

Pakiramdam ko kasama ito sa pag payag ko na maging fiancee niya. Kasama na rin ang mga panahon na napapa-away siya pero sanay na ako.

Maraming araw na hindi kami magka-intindihan pero hindi pwedeng matapos ang araw na hindi niya ako pupuntahan para humingi ng sorry.

Minsan naisip ko paano kung totohanin na lang namin?

Napa-tayo naman ako sa kama ko at sumilip sa bintana ng may bumubusina sa labas ng bahay.

Agad akong bumaba ng nakita ko si Roman sa labas ng bahay.

"Catherine, si Sly tinakbo namin sa hospital at malala siya." Halos kapusin naman sa hininga si Roman habang sinasabi sa akin to na naka-hawak pa sa dibdib niya.

"Ano? Bakit? Saan hospital?" dere-deretso kong tanong rito.

"Cath, isa-isa lang." Salita ni Roman kaya agad naman akong kumalma.

"Ano saan hospital? Tara puntahan natin." Pag-aya ko kay Roman pero ng napansin siguro nitong naka pang tulog na ako ay hinarang ako nito sa pinto sinabing "Magpalit ka muna ng damit."

Buti na lang at nakapag shower na ako, agad akong pumunta ng kwarto at nagpalit ng maayos na damit.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko dito habang nagmamadali na bumaba ng hagdan.

"Napa-trouble kami." Sagot nito sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, kakahiwalay lang namin napa-away na agad.

"Ano ba naman kayo kailan ba kayo titigil sa trouble na yan!"

Agad akong sinakay ni Roman sa kotse niya,hindi pa rin ako mapakali sa loob ng sasakyan.

"Saan hospital ba?" Tanong ko rito.

Tatlong hospital na ang nadadaanan namin pero hindi pa rin sinasabi ni Roman kung saan hospital itinakbo si Sly at halos mag gagabi na.

Nang may nilikuan si Roman na isang malaking daanan at sa dulo nito ay isang company ay medyo kinabahan ako dahil hindi naman ito mukhang hospital.

MONTGOMERY CORPORATION??

"Roman asan si Sly?" Tanong ko rito pag baba namin ng kotse.

"Tara!" Aya nito at hinatak ang kamay ko.

-Paulo's POV-

Madaling araw pa lang ay tinawagan na ako ni Sly.

"G are you up?" Tanong nito sa kabilang linya.

"G alas singko palang ng madaling araw ano sa tingin mo?"

"I have a surprise for Catherine, call them." Salita nito at in-end na ang tawag.

Ano ba to si Sly ibang klase lakas mag trip alas singko ng madaling araw trip mang surprise, tinawagan ko isa-isa ang Lyrical Assault at sinabing pumunta ng Condo ni Sly dahil may emergency.

Alas sais ng umaga ay umalis na ako ng bahay para puntahan sila doon,pag dating ko ay halos antok pa ang itsura ng mga ito.

"Ano bang nangyari?" Tanong ng mga gago sakin.

"Asan si Sly?" Tanong ko sa mga ito.

Hindi ko naman pinansin ang mga gago, at kanya kanyang pwesto at nag pikitan.

Ride or Die?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن