Chapter 30..

8.9K 284 2
                                    

Catherine's PoV

"Can we talk?" It's been a week since he discharged in the hospital and we celebrate Christmas there.

I sat properly in my room.

"More than a week na ako rito pero hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kinakausap." He said and looked straight to my eyes.

Totoo na mahigit isang linggo ko ng hindi kinakausap si Dad natatakot kasi akong malaman ang totoo at nahihiya na rin.

"Is it true?" Tanong ko rito na sana ay hindi totoo ang mga sinasabi ni Ong.

He just smile and patted my head at tumayo siya.

"69 years ago. My Dad is a King of his own Empire and it was the Philadelphia Group." Salita ni Daddy habang naka-tingin lamang sa bintana.

"It was true that I am a monster, a heartless, ruthless at wala akong awa pumatay ng tao. Your Lolo trained me to become that one and he trained me to become a Monster."

Palapit na sana ako kay Daddy para akapin ito pero pinigilan niya ako gamit ang kamay niya.

"This year will be the 70th anniversary of Philadelphia, and this will be the time para palitan ako."

Papalitan? Ibig sabihin totoo nga ang sinabi ni Ong na ako ang papalit kay Daddy? Pero bakit ako? Anong alam ko sa Mafia at isa pa, isa akong babae.

"Ayaw ko sanang pasukin mo ang mundo ng Mafia dahil magulo ito, i raised you to fulfill your dreams pero wala akong magawa, isang malaking desisyon ko lang ay..." Hindi pa tapos mag salita si Dad ay bigla itong natumba dahan-dahan.

"Hide princess." Salita nito sa akin pero kita ko sa salamin ng bintana ang tama ng isang bala at pag angat ko kay Dad ay duguan na ito at may tama sa likod ng ulo niya.

"Daddy!!!" Isang sigaw na umalingawngaw sa loob ng kwarto ko.

----
Cathleen's POV

Papasok palang sana ako ng kwarto ko ng marinig ko ang sigaw ni Ate, agad akong tumakbo sa kwarto nito at pagka-kita ko ay naliligo si Daddy sa sarili nitong dugo.

Halos mabaon ako sa lupa sa nakita ko.

"Cathleen call Mommy." Dinig ko ang salita ni Ate pero hindi pa rin ako maka galaw.

"Cathleen!" Isang sigaw ni Ate na nagpa-kabog ng dibdib ko at nagpa daloy ulit ng dugo ko.

Agad akong pumunta sa kwarto nila Mommy at nang magising ito ay agad kaming pumunta sa kwarto ni Ate.

Inakap agad ni Mommy si Daddy kitang-kita ko si Ate na may hawak ng baril at lumabas ng bintana niya at tumuntong sa bubong.

"Cathleen drive your dad to hospital." Salita ni Mommy.

Agad kong tinawag ang bago namin Gwardya para sabihin ang nangyari,agad naman nitong binuhat si Dad papunta ng kotse ko at sinabihan na tulungan si Ate.

Dinig ko ang iyak ni Mommy sa passengers seat nang tinignan ko ito sa salamin ay hawak-hawak nito ang ulo ni Daddy.

"Cris! Please don't leave us Honey." Salita ni Mommy habang umiiyak.

Ibinaba ko si Daddy sa pinaka-malapit na hospital wala akong idea kung anong ospital to basta madugtungan lang nila ang buhay ni Daddy.

"Emergency!!" Sigaw ko sa E.R ng hospital at agad silang kumuha ng stretcher para kunin si Dad.

Halos mag-lumpasay na si Mommy kakaiyak at sinasabing mag babayad siya buhayin lang si Daddy tapos ay sinara na ang kurtina ng E.R.

"I'm sorry." Salita ng Doctor

Tinulak ni Mommy and Doctor at inakap si Daddy.

"Come on Cris breathe!!" Salita ni Mommy na patuloy pa rin sa pag iyak.

Isang sulyap ang binigay sa akin ni Mommy na halos magunaw ang mundo ko.

Pag lingon ko sa pintuan ng ospital ay nagmamadali si Ate Catherine na puro dugo pa ang damit at kausap ang guwardya.

Agad akong tumakbo dito at inakap ito.

"No! Cathleen please tell me it's a joke." Salita nito na garalgal na ang boses.

Dahan-dahan kaming lumapit ni Ate kung nasaan si Daddy pero may takip na ito ng kumot at si Mommy ay halos naka salampak na sa sahig.

Agad kong tinayo si Mommy.
--------

-Kurt's POV-

Agad kaming nag drive papunta ng hospital kung saan tinakbo ang Daddy nila Cathleen.

Halos para na kaming nag ka-karera nila SLY para lang agad na makapunta roon.

Pero huli na kami ng nasa morgue na ang labi ng Daddy nila Cathleen.

Agad kong nilapitan si Cathleen to comfort her and she just hugged me.

Isang mapait na ngiti ang binigay sa amin ni Tita Catarina pero laking gulat ko ng wala dito si Catherine.

"Where is Catherine, Mom?" Tanong ni Sly kay Tita Catarina.

Pero nilingon-lingon ni Tita Catarina ang loob ng morgue at nagulat ng wala si Catherine dito.

"I'll find her." Salita ni Sly at agad na tumakbo.

"G!" Tawag ko rito. Nilingon lang ako nito.
"Sama ko." Salita ko rito. Maiiwan naman si Patrick at Paulo dito sa Morgue eh.

Agad kaming tumakbo palabas ni Sly ng hospital.

Halos parang nakikipag car racing si Sly sa bilis nitong magpatakbo.

"Where are you Gel!" Bulong nito.

I was tryin' to track Catherine's GPS pero naka-off ito.

"Call her." Salita ni Sly at agad kong tinawagan si Catherine pero naka-patay ang cellphone nito.

"For heaven's sake Gel where the hell are you!" Salita ni Sly na halos madurog na ang manibela sa sobrang kapit nito rito.

May dalawang oras na namin dina-drive ang buong Taguig pero wala pa rin kaming makita ni kahit anino ni Catherine.

Sabi ni Cathleen she already called their friends pero wala ito doon.

Hanggang sa mapadpad kami sa isang malaking theme park. Agad na bumaba si Sly ng kotse at sinundan ko ito papunta sa isang babaeng nakatayo at naka-tingin lamang sa Mag-ama na nakasakay sa carrousel.

Sana si Madam na to. Bulong ko sa isip ko.

Dahan-dahan kaming lumapit ni SLY rito at isang mapait na ngiti ang binigay sa amin nito tapos ay tumingin ulit sa mga mag-ama.

Nang matapos ang oras ng carrousel ay lumapit si Catherine sa Mag-ama, susubukan sana ni Sly na sundan ito pero pinigilan ko ito.

Isang akap ang binigay ni Catherine sa Matandang lalaki, kitang kita sa mukha nito ang gulat niya. Tapos ay nilingon kami ng lalaki at ngumiti.

"Take care of your daughter." Huling salita ni Catherine pag tapos ay naglakad na papunta sa amin.

Dere-deretso lamang itong naglakad at naupo sa isang bench.

Tinabihan ito ni Sly pag tapos ay kinuha ang panyo niya tsaka pinunasan ang mukha nito at mga kamay.

Isang patay na tingin naman ang binato nito sa akin, na minsan ay hindi ko pa nakikita tapos ay tumingin kay Sly.

"Papayag na akong hawakan ang Philadelphia." Salita nito na nagpa-tindig ng balahibo ko.

"Let's go home." Salita ni Sly at inalalayan tumayo si Catherine.

Ride or Die?Where stories live. Discover now