Chapter 9.

12.2K 410 1
                                    

"Dito sakay na!" Salita ng lalaking pamilyar ang boses at nang makarating kami sa kotse ay naaninag ko ang mukha ni Paulo.

"Paulo?" Tanong ko rito at binuksan ang ilaw ng sasakyan, nang makita kong si Paulo nga ay agad ko itong niyakap.

Si Cathleen naman ay napa-yakap na rin kay Paulo.

"Paano ka napunta rito akala ko umuwe ka na?"

"Salamat Kuya Paulo niligtas mo kami."

Iyak pa rin ng iyak si Cathleen dahil sa takot.

Hindi inaandar ni Paulo ang kotse na parang may hinihintay.

"Huwag niyong kontakin ang parents niyo kahit sila Manang o ang mga guard o kahit mga kakilala niyo." Seryosong salita ni Paulo.

"Pero bakit? Kailangan nilang malaman." Salita ko dito.

"Trust me. Hindi nila kailangan malaman ang nangyayari."

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Paulo pero nagpa panic parin ako habang naririnig ko ang iyak ni Cathleen.

"Paulo ano ba hindi ko maintindihan bakit hindi kailangan malaman ng Parents ko? Buhay namin ang nakataya dito!" Sigaw ko dito.

"Basta!" Salita nito inandar na ang kotse.

"Saan mo kami dadalin? Mag rereport pa kami sa mga Pulis!" Salita ko dito.

Pero hindi ako pinapakinggan ni Paulo patuloy lang siya sa pag drive.

Hanggang sa parang naliligo sa tubig ang paa ko. Nang sinilip ko ito ay puno ng dugo naliligo ang paa ko sa dugo at wala akong suot na tsinelas o sapatos.

"Paulo may dugo!" Sigaw ko dito.

Agad naman inihinto ni Paulo ang kotse, agad niyang binuksan ang ilaw at tumingin sa braso ko katawan at mukha nung makita niyang wala ay tumingin siya kay Cathleen na nakatulog na sa sobra sigurong pagod at takot.

"Asan? May tama ka ba? Shit!" Panic na sigaw nito.

"Sa paa!" Sagot ko.

Nanginginig ang buong katawan ko hindi ko alam kung tama ito ng baril o bubog mula sa naapakan kong mga basag na bagay sa amin.

Agad pinaandar ni Paulo ang kotse ng mabilis halatang halata sa mukha niya ang takot at kaba.

"Natamaan ka ba ng baril?" Tanong nito.

"Hindi ko alam." Sagot ko dito.

May ilang minuto lang ay huminto kami sa Drug Store at dali daling lumabas si Paulo.

Pag tapos ay binuksan ang pinto ng kotse at inilabas ang paa ko.

Binuhusan niya ito ng dextrose para hugasan tapos ay binalutan ng gauze pad. Kitang kita sa mukha ni Paulo na nag aalala siya kahit ako nag-aalala rin para sa sarili ko, para sa'min ni Cathleen.

Maya-maya ay may lalaking humawak sa balikat niya at pag tingin ko ay si Sly ito.

Agad na tumayo si Paulo at si Sly ang pumalit rito.

Inangat ni Sly ang paa ko at tinignan ang talampakan ko ayaw huminto sa agos ng dugo.

Malakas na tadyak ang inabot sa akin ni Sly pagtapos nitong pisilin ang paa ko.

"You bastard bakit mo pinisil anong akala mo diyan teddy bear?!!"

Tiningnan lang ako nito at may binigay sa akin na face towel.

"Kagatin mo." Salita nito..

Agad ko naman itong sinunod pag tapos ay pinisil ni Sly ng madiin ang talampakan ko at pag tapos ay binuhusan niya muli ito ng dextrose hanggang sa makuha na nito ang bubog na naapakan ko kanina. Pasalamat na lang ako at hindi tama ng baril ang nangyari sa'kin.

Hindi ko magawang sumigaw sa hapdi ng sugat basta kagat ko lang ang face towel.

Pag tapos ay binalutan ni Sly ng sterilized na gasa ang sugat ko pag tapos ako nitong gamutin ay tumayo na ito sinilip si Cathleen sa bintana ng sasakyan.

"Everything will gonna fine." Salita nito kay Cathleen. Ngumiti lang rito si Cathleen at saka niya ito tinap sa ulo. Hinihingay ko itong tignan ako pero
hindi niya yun ginawa, basta deretso lang syang naglakad pasakay ng sasakyan niya at nag drive na paalis.

Bakit ganun siya makitungo sa'kin? Parang ang cold niya?  May ginawa ba ko?

Sinundan naman namin ang kotse ni Sly hindi ko alam kung saan kami pupunta pero pamilyar ang lugar na ito, hanggang sa nakita ko nalang sa sign board na nasa Makati na kami.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Paulo.

"Sa Condo ni Sly." Sagot nito.

"Huh? Paano yung bahay namin?" Tanong ko rito. Paniguradong may mga pulis duon para imbestigahan ang nangyari.

"Remember Kurt Patrick and Jet? Sila na ang bahala dun." Sagot nito.

******

Votes and comments are free loves!!! Thanks you so mats!!!

Ride or Die?Onde histórias criam vida. Descubra agora