Chapter 54.

7.3K 202 1
                                    

"Good Morning Mr. and Mrs. Montgomery." Bati sa amin ni Jenel ng sabay kaming makarating ni SLY sa table nito.

Pag tapos ng tatlong araw na bakasyon ay balik na si SLY sa trabaho nito, tapos na ako sa OJT ko pero sumama lang ako kay SLY ngayon dahil wala naman akong kasama sa bahay may pasok kasi si Cathleen at isa pa wala rin naman akong gagawin dun.

Pag pasok namin ni SLY ng opisina ay agad nitong inalis ang coat niya saka ini-hanger at inilagay sa cabinet nito na katabi lang ng pintuan, ako naman ay prenteng umupo sa sofa sa loob ng opisina saka kinuha ang netbook sa loob ng bag ko.

Bago ko buksan ang netbook ay sinulyapan ko muna si SLY na naka-upo sa swivel chair ng table niya habang isa-isang binubuklat ang mga folders na ewan kung para saan.

"Want coffee, gel?" Tanong ko rito matagal ito bago sumagot dahil sa isang folder na binaba nito na halos magpakunot ng noo nito.

"No, thanks." Sagot nito ng may tatlong segundo ang nakalipas.

Agad kong itinuon ang sarili ko sa netbook pag sagot ni SLY at pinatong sa lap ko saka sumandal sa sofa.

"Gel, are you familiar with drift racing?" Tanong nito sa akin. Taka ko naman itong tinignan, wala akong masyadong alam sa car racing, isang beses lang ako naka-panood nito nung araw na pinuntahan namin si France para kalabanin ni Cathleen.

"Nope." Sagot ko rito saka ulit ibinaling ang tingin sa netbook.

"How about Cathleen?" Tanong nito na nakatingin pa rin sa folder tapos ay tumitingin sa computer sa harap nito.

"She doesn't have an idea about that, but she once join in a car racing by dealing with her bestfriend. Why?" Paliwanag ko rito.

Sabay kaming napalingon sa pintuan ni SLY ng kumatok si Jenel at binuksan ang pinto.

"Excuse me Sir, the board is now at conference room, and the meeting will start in a minute." Salita ni Jenel saka yumuko at sinara ulit ang pintuan.

Ang aga naman meeting nito, alas-otso ng umaga? Pag lingon ko kay SLY ay inayos na nito ang sleeves at tie niya. Agad naman akong tumayo para i-abot dito ang coat niya na naka-hanger.

"Wan't to come?" Tanong nito sa akin pagka-abot nito ng coat.

I just smiled at her for a yes, saka inayos ang damit ko at kinuha ang netbook ko. Pinag buksan naman ako ni SLY ng pintuan ng opisina niya saka naglakad kami parehas papunta ng conference room.

SLY, button his coat bago pumasok ng conference room, pag tapos ay pinag-buksan na kami ni Jenel ng pintuan, pero nagulat ako ng wala rito si Mamita.

Isa-isa naman tumayo ang mga board member ng kumpanya ni SLY, at taka itong tinignan si SLY na parang walang alam kung para saan ang meeting.

"Wife." Tawag nito sa akin bago pa ako maka-upo sa gilid ng conference room kung saan may hilera ng upuan at naka-upo si Jenel.

"Seat here." Salita nito na hindi pa nakaka-upo sa swivel chair nito.

Agad naman akong lumapit rito saka umupo si SLY naman ay kinuhaan ni Jenel ng isang upuan at inilagay sa tabi ko.

"What about this meeting Montgomery?" Tanong ng isang board member kay SLY pagka-upo nito. Tinignan lang ito ni SLY ng malaming na tingin saka umupo.

"I wan't to know the trend of the company for the month of March." Paunang salita ni SLY na parang kinabigla ng mga tao rito.

Sinulyapan ko naman si SLY na seryoso ang itsura, na parang nag hihintay na mayroon sumagot isa sa mga tao rito.

Ride or Die?Where stories live. Discover now