Chapter 37.

8.9K 261 8
                                    

"Congrats Mr.and Mrs. Montgomery!" Bati sa amin ni Paulo ng dinalaw kami dito sa Rest house.

"Ang daya niyo hindi niyo man lang kami in-invite!" Pag tatampo naman ni Shaider.

Tatlong araw na kami dito ni Sly, gusto ni Sly na sa isang linggo kaming mag stay dito naka-leave siya sa company at ako in-excuse niya sa School.

"Baka may laman na?" Tanong naman ni Patrick habang naglilipat ng channel sa t.v.

"Nako oo nga no!" Pag sang-ayon naman ni Jarold.

"Gel, tumawag ka ng Funeral services na susundo sa dalawang to." Serysong sabi ni Sly habang pinapatay ang yosi sa ashtray na hawak niya.

Nag madalian naman sina Jarold at Shaider na tumakbo papunta sakin at nag tago sa likod ko.

"KYAH!!! Nakakainis ka Ate!" Sigaw ni Cathleen na papasok ng pintuan.

Nawala sa loob ko na may kapatid nga pala ako na hindi ko dapat pabayaan.

"Ate paano na ko?"

"Sly mag devorce na kaya tayo?" Seryosong salita ko kay Sly habang naka-yakap sa akin si Cathleen.

"Ano?" Sigaw nito habang pinupunasan ang bibig niya. Nabuga kasi nito ang iniinom niyang softdrinks nung sinabi ko yun.

"Kasi wala ng kasama si Cathleen sa bahay eh." Salita ko rito.

"Then she lives with us." Salita nito habang pinapagpag ang damit.

"Ai bongga!" Sagot naman ni Cathleen tapos ay umupo na sa couch kung saan naroon ang Lyrical Assault.

Isa pang loka-loka! Bulong ko sa isip ko.

Agad akong tumungo ng kusina para mag umpisa na mag luto. Nag dala kasi ang Lyrical Assault ng mga Pagkain ito na daw ang regalo nila samin since Friendship over na sila nila Sly dahil sa hindi pag imbita sa kanila. Parang mga bata!

Inumpisahan ko ng alisin lahat ng groceries na dala nila sa plastik at isa-isang nilagay sa ref ang mga gulay,karne at seafoods.

"Gel what you want for Lunch?" Tanong ko dito habang kumakain ng hilaw na carrots.

"Anything will fine, Gel." He answered.

Agad akong nag second look sa ref kung ano ba ang pwedeng lutuin.

"Sige na Sly, tatawagin ko na lang kayo pag luto na." Salita ko dito at nag hiwa na ng sibuyas.

"Just go on. I'm gonna watch you." He said tapos ay kumain naman ng ubas.

Bakit ganun ang sexy ni Sly kumain? Nakakatakam ang labi nitong lalaki na to.

"What happen?" Pag aalalang tanong ni Sly.

Pag tingin ko sa daliri ko ay nadaplisan na pala ito ng kutsilyo.

"Ah eh." Pautal utal na sabi ko.

Ano ba kasalanan ko ba na ang gwapo ng Asawa ko?

Nagulat na lang ako ng binuhat ako ni Sly na parang bagong kasal at binitbit palabas ng kusina.

"Grabe naman kayo tanghaling tapat!" Sigaw sa amin ni Patrick.

"Sly ibaba mo ko susuntukin ko lang yang kaibigan mo!" Utos ko kay Sly at agad naman ako nitong binaba.

"Joke lang naman Madam!" Salita nito tapos ay tumakbo palabas ng bahay.

Agad na sumunod si Sly habang tumatawa.

"Cathleen ikaw na muna mag luto, nahiwa Ate mo ng kutsilyo." Salita ni Sly kay Cathleen habang pababa ng hagdan.

"Alright!" Pag sang-ayon naman nito tapos ay pumunta na ng kusina.

Ride or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon