Chapter 8.

12.9K 376 2
                                    

-Paulo's POV-

Agad inayos ni Kurt ang mga CCTV sa tapat ng bahay nila Catherine mula sa posteng nakatapat sa bahay ng mga Manalang hanggang sa likod kung saan mayroong bakanteng lote.

Si Patrick ang umayos lahat ng kargadang dadalin namin mula sa riffle hanggang sa shot gun.

Si Jetro at Jarold ay pumwesto na sa pwedeng labasan ng mga kalaban dala ang mga baril nito.

Si Roman ang hacker na na de-detect ng signal ng mga kalaban.

Maaring gamitin si Catherine ng nag iisa namin kalaban sa Gang war para sumuko kami at bumaba sa aming pwesto.

Ngayon ko lang nakita ang seryosong mukha ni SLY habang inaayos nito ang bullet proof vest na suot nito at inilalagay isa isa ang mga baril sa bulsa niya.

Dati ay umiiling lang ito at natatawa pa dahil alam niyang matatalo namin ang kalaban at walang ibang mapapahamak.

Walang alam sina Catherine at Cathleen sa pwedeng kapahamakan o kahantungan nila habang narito kami sa bahay nila at nag mamasid.

Si Shaider ang nakabantay sa kwarto nina Catherine upang masiguradong maayos ang dalawa.

Sinabihan na rin namin ang mga kasambahay nina Catherine na umalis muna dahil sa mayroon kaming pupuntahan at kami na ang bahala sa dalawang dalaga.

Napaka-laki ng bahay nina Catherine maaring sa isang idlap lamang ay magkamali kami at mapahamak ang dalawa.

"This is Roman. Are you ready for a party G?" Salita ni Roman habang suot ko ang headset.

"Let's get it on!" Sigaw naman ni Jarold sa kabilang linya at nag tawanan ang lahat maliban kay Sly na hindi ko naririnig ang boses.

Nilapitan ko ito habang nagmamasid lamang sa loob ng bahay nila Catherine.

"G!" Salita ko dito habang tinatapik ang balikat.

Isang tingin lang ang pinukol nito sa akin ngunit hindi ko pa rin nakikita ang Sly sa katauhan nito.

"There's an undentified person on the road, left side." Salita ni Roman.

Agad akong pumunta sa pwesto ko para tignan ito.

Kinabit ko ang silencer ng baril ko at tumuntong sa biranda ng bahay nila Catherine para patayin ang main power ng bahay nila.

-End of POV-

***

Catherine's POV

"Ate brown out!" Sigaw ni Cathleen.

Agad kong binuksan ang switch ng ilaw pero hindi block out nga.

Sumilip ako sa bintana para tignan ang poste na may street light pero naka-bukas ang mga ito.

Malayo ang pagitan ng bahay dito kaya hindi ko alam kung sa amin lang ba walang ilaw o sa buong village.

Lalabas na sana ko pero naka lock ang pinto, bigla akong kinabahan pero hindi ko pinapahalata kay Cathleen.

Binuksan ko ang video ng cellphone ko para gawin flashlight ang flash nito pero may bigla nalang na basag sa bandang bintana.

"ATE!!!" sigaw ni Cathleen.

"Come here!" Salita ko dito at itinapat sa kanya ang cellphone ko.

Bigla naman pumasok ang isang lalaki sa kwarto ko at nag sisigaw kami ni Cathleen.

"Magnanakaw!"

"Tulungan niyo kami may magnanakaw!!"

"Waaah!!!" Sigaw namin ni Cathleen habang pinag tatadyakan ang lalaki.

Nang nakahiga na ito ay agad kaming tumakbo ni Cathleen palabas ng kwarto ng biglang may nag takip sa bibig ko.

"Bitawan mo ate ko!" Sigaw ni Cathleen.

Agad kong inilawan ang mukha ng lalaki para makita ni Cathleen pero nag panic agad ito at pinaghahampas ang lalaki.

Pilit akong kumakalas pero mas hinigpitan pa ng lalaki ang hawak sa bibig ko.

Bigla na lang nito kaming dinala sa kwarto hindi ko alam kung kwarto nina Daddy o Opisina niya dahil magkatabi lang ito.

Pag pasok ng kwarto ay agad kong inilawan ang mukha ng lalaki na mayroon suot na vest at naka-takip ang mukha na mata lang ang kita.

"I'm with them." Salita nito.

Nang papa-lapit ito sa amin ay binato ko ito ng cellphone ko pero naka-ilag ito.

"Maawa po kayo sa amin." Sigaw ni Cathleen habang umiiyak.

"Shh! Shut up!" Salita nito.

"Dyusko pinatay niyo na ba sila Manang?" Tanong ko dito habang umiiyak.

"Ano bang gusto niyo? pera? titulo ng lupa? ano? " Sigaw ko dito habang yakap ko si Cathleen na patuloy pa rin sa pag iyak.

"951123 yan ang password ng vault. Huwag niyo kaming papatayin." Pag mamakaawa ko sa lalaki.

"I don't need that." Seryosong salita nito.

"Ano bang kailangan mo!" Hindi ko alam kung ano ang kailangan nitong lalaki na to at bakit siya naririto. Hindi ko rin alam ang motibo nila sa pag pasok sa bahay namin kung hindi niya kailangan ng pera o mga alahas.

Dinig namin ni Cathleen ang kalabog sa ibaba ng bahay alam ko na mayroon pang ibang tao hindi ko alam ang motibo nila, nilalakasan ko lang ang loob ko pero sa totoo lang mamatay matay na ko sa takot. Pero kung magpapakita ako ng takot, mas matatakot si Cathleen.

Inalalayan kong umupo si Cathleen habang umiiyak ito sa takot. Hanggang sa nakapa ko ang main table ni Daddy at sinabihan si Cathleen na huwag mag-ingay. Andito kami sa Office niya pagapang kaming lumakad ni Cathleen sa sahig para makapunta sa Cabinet kung saan mayroon exit papunta ng terrace para makalabas na kami.

Bahala na kung manakaw nila ang laman sa Vault makaligtas lang kami ni Cathleen.

Dinig namin ni Cathleen ang yabag ng paa ng lalaki na nagmamadali kaya agad kaming huminto.

Nakapa ko naman ang cabinet files ni Daddy at agad kong binuksan ang pangalawang filing cabinet.

Kinapakapa ko ito baka may makita akong flash light pero iba ang nakapa ko,hugis ng baril at agad ko itong nabitawan ng may biglang "Bang!" Putok ng baril ang umalingawngaw sa opisina ni Daddy.

Nagsisigaw naman kami ni Cathleen habang dinig ko ang yabag ng paa ng lalaki na papalapit sa amin.

"You're safe. Pulis ako." Salita ng lalaki na ka boses pa rin ng lalaki nag salita sa amin na hindi niya kailangan ang password ng vault na parang boses ni Sly.

Hinawakan ko ang kamay ni Cathleen ng i-angat ako ng lalaking nagsasabing pulis siya.

"Salamat po at niligtas niyo kami." Salita ni Cathleen.

Sobrang dilim pa rin sa bahay may naapakan akong basag na mga bagay.

Hanggang sa pagbaba ng hagdan ay hawak hawak lang ng mamang pulis ang kamay ko at nagmamadali na lumabas ng bahay.

Nang makalabas kami ay bigla na lamang umusok ang dinadaanan namin.

Ride or Die?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin