Chapter 31.

9.3K 278 2
                                    

Kurt's  POV

"Get a warm water." Utos sa akin ni Sly.

Agad akong pumunta ng kusina ni Sly para kunin ang pinapakuha nito at tumakbo sa kwarto ni Boss.

Naka-tulog na si Miss Catherine sa sobrang pag-iyak nito at ngayon ko lang nakita si Sly na halos alalang-alala.

"Ano papanoorin mo pa kung paano ko punasan si Catherine?" Tanong nito sa akin.

Natawa na lang ako sa sinabi ni Lover boy kaya agad akong lumabas ng kwarto niya.

Tinawagan ko na si Cathleen para sabihin na narito na ang kapatid niya sa Condo ni Sly. Sinabi naman nito na kung pwede ay palipasin muna ng gabi dito si Catherine dahil baka na-trauma ito sa nakita kung paano binaril ang Daddy niya.

Pag bukas ko ng t.v ay agad kong inilipat sa balita kung mayroon bang source na nabaril ang Daddy nila pero halos lahat ng balita ay hindi ito na feature.

"Usisero." Halos mapa-lundag ako ng biglang nag salita si Sly palabas ng kwarto.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko rito.

"Get some drink." Salita nito at agad akong pumunta kusina para kumuha ng mai-inom namin ni Sly.

Nag bukas ako ng dalawang beer at kumuha ng ibang chip sa stock nito.

"G!" Tawag ko dito at inabot ang bote sa kanya.

"She's broken." Salita nito at tumungga ng alak.

"Hindi ko alam paano ko papahilumin ang sakit na nararamdaman niya." Dugtong nito.

Si Sly ba to? Bulong ko sa isip ko.

"Just be on her side." Salita ko rito.

"Hinihingi ko ba opinyon mo?" Halos mabuga ko na ang alak na nasa bibig ko buti at nalunok ko agad.

Adik ata to eh. Nanghihingi ng payo tapos mang babara.

"Hindi ko akalain na makikita ko siyang ganyan." Salita nito.

Nakatingin lang ako rito at nag sindi ng yosi.

"Ngayon ayaw mo sumagot!" Dugtong nito tapos ay uminom ng alak.

"G, isa lang ang dapat mong gawin. Sumama ka sa laban ni Catherine. If she wants a revenge, revenge for her. If she wants to kill, kill for her. If she wants to be a Queen, you should be a King." Salita ko rito at napa-tingin naman ito sa akin.

"Hindi na bago sa atin ang pumatay." Dugtong ko rito.

"May utak ka pala Kurt. " Salita nito tapos ay kinuha ang cellphone niya.

[Roman, make a research about Philadelphia. Kung sino ang kalaban nila at paano maka-pasok sa mundo nila.]

Halos mapanganga ako sa narinig ko. Taragis mali pa ata yung suggestion ko.

[Venus, appoint me a meeting to Attorney Ramos tomorrow at 11am.]

-----

May isang oras na kaming umiinom ng biglang may nag doorbell sa unit ni Sly.

"May bisita ka?" Tanong sa akin nito at umiling ako.

Agad namin kinuha ang mga baril namin at saka binuksan ang pinto.

"Relax!" Salita ni Roman.

"Bilis mo ah." Salita ni Sly rito tapos ay naupo na kami sa couch at binuksan na ni Roman ang laptop niya.

"Philadelphia is celebrating their 70th anniversary this coming January 30. They are 5th rank Mafia in the world. Bago ka makapasok sa kanila ay kailangan mo munang magkaroon ng 5billion gross weight or more than that." Halos magka- tinginan kami ni Roman na parang walang reaksyon si Sly.

Sa dami ng business nila Sly kayang kaya niya pasukin ang Philadelphia lalo na't next month ay ipapamana na sa kanya ang Montgomery Corporation.

"Ang pinaka-kalaban nila sa Ranking ay ang Brown Republic. Kaya maaring sila rin ang nagpa-patay sa Daddy ni Catherine."

"Brown Republic?" Halos mang-laki ang mata namin ng nasa harapan na namin si Catherine.

Binaba agad ni Roman ang screen ng laptop niya at akmang tatayo.

"Tell me more about them." Malamig na sabi ni Catherine na halos parang patay ang itsura.

"Gel you should rest." Salita ni Sly at lumapit rito.

"No! Continue what you were saying Roman." Salita nito.

Napatingin naman kaming dalawa kay Sly tapos ay tumango lang ito.

"They are once a member of Philadelphia kaso ay.." Hindi pa natutuloy ni Roman ang sinasabi niya ng isang malakas na pag bukas ng pinto ang narinig namin.

"Kaso ay traydor si Ong at si Zoe." Salita ng isang babaeng pumasok na lang basta-basta sa unit ni Sly.

Isang pag tutok ng baril sa sentido nito ang ginawa ni Sly.

"Who are you?" Matigas na sabi ni Sly.

"Cara Alonzo." Pakilala nito at tinabig ang baril na nasa ulo niya. Nasa 30 na ang edad nito.

"I am one of the Big 4 of Philadelphia." Pakilala nito at umupo sa gitna namin tapos ay may inalabas na i.d sa coat niya.

"We heard about the death of King, and their next target is you Princess." Salita nito na may pangamba sa itsura.

"We are your heiness Princess." Salita nito tapos ay lumuhod sa harapan ni Catherine.

Si Catherine naman ay tumayo at lumapit kay Sly.

"How can I be sure that you are loyal to us?" Salita ni Catherine.

"You can shoot me now if you think i'm not." Salita nito tapos ay may inabot na baril kay Catherine.

"Tumayo ka." Salita ni Catherine na may autoridad.

Agad naman itong tumayo at umakap kay Catherine.

"I am willing to bet my life for you Princess." Salita nito.

"Tell me more about the Brown Republic." Utos ni Catherine.

"Pwede bang tayong tatlo lang ni Mr.Montgomery ang mag usap?" Salita nito.

Agad na tumingin sa amin sina Catherine at Sly na parang sinasabing lumabas muna kami at maging alerto lamang.

Catherine's POV

"Tinayo ni Ong ang Brown Republic kasama si Cody Zee. Ong is the master mind. I was only 15 when i enter Mafia world, because of your Dad hindi ako makakapag-aral." Salita ni Cara.

"Isang plano ang ginawa nila ni Ong para mapa-bagsak si Cody. At ang dahilan kung bakit naging traydor si Ong ay nasilaw siya sa perang inalok sa kanya ni Cody $15billion. Balak patayin ng mga Ong ang Mommy mo at ikaw." Dugtong nito.

"Kaso ay naunahan siya ni King at pinatay ang asawa ni Ong na hindi nalalaman ni Ong. Ang mafia world ay hindi basta-basta Princess. Titirahin ka nito kung saan ka pinaka-mahina. Young Master." Salita nito tapos ay lumingon kay Sly.

"You and your friends are now entering the Mafia World." Salita nito.

"King give his trust to you, siguro ay dahil alam niyang ma pro-protektahan mo si Catherine." Dugtong nito.

Ride or Die?Where stories live. Discover now