Chapter 58.

7.5K 199 2
                                    

"Ride or Die, remember?" Salita ko rito sa halip na sagutin ako ni SLY ay niyakap lang ako nito ng mahigpit.

Dumating na kasi ang warrant of arrest niya, sa kasong isinampa sa kanya ng Manila Police department dahil sa pag kamatay ni Salazar. Siya ang mas dinidiin sa kasong homicide dahil siya ang huling operation na ginawa ni Salazar at nakalagay doon na wala itong piyansa, isinama sa kaso ni SLY ang pag e-export ng mga kotse sa Japan, kung saan illegal ito.

Binitiwan muna ni SLY ang pagiging COO ng Montgomery Corporation para hindi ito madamay at lahat ng ari-arian na naka-pangalan sa kanya ay muli niyang binalik sa pangalan ni Mamita.

Sabi ni Atty. Ramos ay kailangan itong gawin ni SLY para hindi masilip ang anumang yaman ni SLY, university lang ang iniwan sa kay SLY dahil bata pa lang daw ito ay sa kanya na ito naka-pangalan.

"Ayoko ng mangdamay pa ng iba." Salita nito sa akin. "But we are partners in crime." Tumingin ako sa mga mata nito at nakikiusap na kung sakali ay payagan ako nitong gumawa ng paraan para malinis ang Pangalan niya sa kasong isinampa sa kanya.

"Let's sleep." Salita nito sa akin.

--------------

-Morning-

-Cathleen's POV-

Alam kong may mali sa ikinikilos ni SLY, pero minabuti ko na lang na hindi ito pansinin dahil baka mali lang ang iniisip ko.

Bago ito umalis, para pumasok sa Motgomery Corporation ay inakap ako nito at sinabing huwag kong iiwan si Ate. Bago para sa akin. Dahil ni minsan ay hindi niya pa ito ginawa na ihabilin sa'kin si Ate.

"Cath, si SLY?" Tanong sa'kin ni Ate na halos kinakabahan ang itsura.

"Pumasok na." Sagot ko rito. Halos napa-upo na ito sa upuan sa dining area ng marinig ang sagot ko.

"Bakit?" Tanong ko rito.

"May binilin ba siya?" Tanong nito sa'kin habang kinakalikot ang cellphone nito. Hindi pa ako nakakasagot ay tumkbo na ito ng kwarto nila ni SLY, dali-dali ko naman itong sinundan.

"Shit! Shit! Shit!" Cussed nito habang hawak ang cellphone ni SLY na tumutunog pa.

"May problema ba?" Tanong ko rito sa halip na sagutin ako nito ay umupo ito sa kama na sabunot ang buhok niya. Nagulat ako ng binato nito ang cellphone niya sa pader.

"Ate, ano bang problema?" Agad akong lumuhod sa harapan nito saka hinawakan ang dalawang kamay nito. Isang malungkot, natatakot at hindi maipaliwanag na tingin lang ang binato nito sa'kin saka ako inakap nito ng mahigpit.

"Papasok ka na ba?" Tanong nito sa akin na biglang nagbago ang itsura.

"Oo, sasabay ka ba?" Alam ko kasi na ngayon ang thesis defense nito kaya pwede kaming mag sabay.

"Hintayin mo ko." Salita nito saka tumayo at pumunta ng banyo sa loob ng kwarto nila ni SLY.

Dinampot ko naman ang cellphone ni Ate na halos dumami na dahil sa lakas ng pag bato nito.

Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto nila Ate pero wala naman kakaiba rito hanggang sa makita ko sa side table ng kama nila ang singsing ni SLY sa kasal nila na ginawang pendant sa kwintas ni Ate na niregalo ni Daddy sa kanya.

Agad ko itong kinuha saka lumabas na ng kwarto nila.

After half an hour ay lumabas na si Ate ng kwarto na naka-corporate attire na, pero kita ko pa rin sa itsura nito ang pag-aalala.

"Let's go?" Tanong ko rito. Isang tipid na ngiti naman ang binato nito sa akin bilang pag sagot.

----------

-Catherine's POV-

Pag tapos ng thesis defense ko ay pumunta na ako sa room ni Cathleen, para hiramin ang sasakyan nito.

Agad akong nag drive sa Montgomery Corporation para mag baka sakaling andoon si SLY, inabot sa'kin ni Cathleen ang kwintas na binigay sa'kin ni Dad na matagal ko ng hindi sinusuot.

Pag dating ko sa floor kung saan ang opisina ni SLY ay sinabi agad sa'kin ni Jenel na wala ito roon. Nag madali akong pumunta sa opisina ni Mamita pero sinabi ng sekretarya nito na mayroon daw itong business trip sa California.

Halos lahat na ng lugar na alam kong pwedeng puntahan ni SLY ay wala siya roon. Sinubukan ko na sa condo ng mga kaibigan niya pero walang alam ang mga ito kung nasaan ang kaibigan nila. Sinubukan kong pumunta sa puntod nila Jetro at Jarold pero wala ito roon, sa unit niya, sa bar ni Shaider, sa mansion ng mga Montgomery ni anino nito ay hindi ko nakita. Ipinag dadasal ko na sana ay makita ko ito sa puntod ng mga Magulang niya pero pag tingin ko sa log book doon ay wala ang pangalan nito. Sinubukan ko na rin pumasok sa cremation section pero wala pa rin.


Buong mag hapon kong hinahanap si SLY, pero totoo nga atang hindi mo makikita ang taong ayaw magpakita.

Umuwi ako ng bigo. Umuwi akong luhaan at pagod. Umuwi akong may pag-alala na nakakabit sa damdamin ko.

[Can you come over here?] It was Kurt on the other line, si Kurt ang tinawagan ko dahil alam kong maiintindihan niya ako dahil siya ang huling taong naka-usap ko ng malaman ko ang totoo.

Wala pang isang oras ay dumating na ito, sabay silang pumasok ni Cathleen sa main door na may pag aalala ang itsura.

"Madam." Tawag nito sa'kin. Isang mapag kunwaring ngiti ang binato ko rito saka pina-upo sa sala.

----------

"You know that you really love someone so much that you're willing to do anything for them, even if it kills you. Just because they mean that much to you." Salita ni Kurt sa'kin na parang ina-assure ako na para sa'kin o sa amin ang ginawang pag tago ni SLY.

"You promised each other that you ride until you die, so why scared?" Tanong naman ni Cathleen.

Hindi ako natatakot na hindi na ako babalikan ni SLY, natatakot ako na hindi ako kasama sa laban niyang to.

I just smiled at them and drink the beer i have. "Sa tingin mo uuwi siya?" Tanong ko kay Cathleen. Tumingin naman ito sa wrist watch niya bago ito sumagot. "10:00 pa lang, uuwe yun. "Sagot nito sa akin.

Gusto kong umasa, gusto kong isipin na huminga lang si SLY at uuwe rin siya ano mang oras.

"Baka siya na yan." Salita ni Kurt ng mayroon nag doorbell sa main door.

Agad naman akong nag madali tumakbo papunta sa pintuan, pero pag bukas ko ay si Paulo ang bumungad sa akin. Naisip ko na lang na hindi naman nag do-doorbell si SLY dahil may sarili itong susi.

"Pasok ka." Salita ko rito. Agad itong pumasok ng bahay na may dalang plastic na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Si Giselle?" Tanong ko rito.

"Nagpapahinga na." Sagot nito. Agad ko naman sinara ang pinto at naglakad naman si Paulo papunta ng dining area at nilapag ang plastic na dala nito.

"Baka kasi hindi ka pa kumakain." Salita nito saka inilabas isa-isa ang aluminum container na nasa plastic.

"G!" Salita naman ni Kurt, na galing sa veranda ng bahay. Nag brother hand shake naman ang dalawa, si Cathleen naman ay bumeso kay Paulo at inabutan ng alak.

"Kanina pa kayo umiinom?" Tanong nito sa amin saka nakipag toast.

"Anong dala mo?" Tanong ni Kurt dito. "Nahihiya ako sa'yo baka hindi ka pa kumakain." Sagot naman ni Paulo. Si Cathleen naman ay kumuha ng pinggan sa kusina. Agad kong inaya ang dalawa na bumalik kami sa veranda para doon na mag inuman.

Marami na kaming napag-usapan, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ng sinabi sa akin ni Paulo ang sinabi sa kanya ni SLY. "I wanna be her angel, despite of being evil."


--------------

Hello! Eto na, isang chapter na lang po at matatapos na ang Ride or Die. Sana po ay magustuhan niyo ang huling kabanata ng season 1. At patuloy na magusutuhan ang pangalawang yugto nito.

Nasaan nga ba si SLY? Hindi ko rin alam eh. Hehehe! :)

Maraming salamat po ulit :-* Your vote and comments are really appreciated. APIR!!!

Ride or Die?Where stories live. Discover now