Chapter 26,

11.5K 279 2
                                    

-Paulo's POV-

London Gatwick Airport " basa ko.

Hindi ako nagkakamali nasa London na nga kami, mahigit 15 hours ang biyahe kasama na ang stop over.

Biglang mayroon humintong limousine na itim sa harapan namin, agad kaming nagka-tinginan ni Sly.

"Mr. Blanco and Mr. Montgomery. I am Butler Chan of Manalang Clan i am here to accompany you to Southwark." Salita nito at agad na binuksan ang pinto ng kotse para maka-sakay kami.

Pag sakay naman namin ng Limo ay namangha ako sa itsura nito para kaming nasa loob ng isang bar, may dalawang upuan at sa gilid nito ay may isang mahabang upuan kung saan nakaupo si Butler Chan, sa harap namin ay may mahabang glass table na parang cabinet kasi sa loob ay may iba't ibang klase ng alak.

Halos mamangha ako sa itsura nito, first time ko kaya makakita ng ganito mukha akong tanga. Napukaw ang tingin ko kay Sly ng nag salita ito.

"Where is he?" Tanong ni Sly sa butler nila Catherine.

"They are not here." Salita nito at mayroon inabot sa amin ni Sly na folder.

"As you can see andiyan ang time, date and place ng auction na pupuntahan niyo." Salita nito habang kami naman ni Sly ay tumatango lang rito.

"Nakalagay din dyan ang mga clubs na talamak ang droga. They are dragging Mister Manalang organization kaya gusto niya malaman kung sino ang mga sangkot dito.

"Are you done?" Tanong ni Sly at inilapag sa tabi niya ang folder.

Tumingin lang rito si Butler Chan pag tapos ay may hinatak sa gilid niya na parang lamesa na mayroon iba't ibang klase ng baso para sa alak, pag tapos ay binuksan ang glass table at kung nasaan ang alak.

"Vodka, champagne, red wine or whisky?" Tanong nito sa amin.

"I preferred for Jack." Salita ni Sly. "Ako rin." Salita ko rito.

Kumuha muna ito ng whisky glass tapos ay sinalinan ng Jack Daniel.

Isang mahabang sulyap ang ginawa ni Sly sa bintana kaya naman napatingin din ako, na daanan pala namin ang lugar kung saan kami nakikipag underground battle.

"Dito na lang kami." Salita ko kay Butler Chan kaya naman ini-hinto ng driver ang sasakyan namin.

"Mr. Montgomery are you sure na kaya niyo na po?" Tanong ni Butler Chan habang binaba ang glass window ng kotse.

Hindi na sumagot si Sly at nag lakad na palayo. "Pahatid na lang ng gamit namin sa Hotel na tutuluyan namin." Salita ko rito.

"Okay sir, Mad Hatter Hotel po kayo naka check-in." Salita nito tapos ay naglakad na ako para sundan si Sly.

"Home sweet home." Salita ni Sly. Nag flashback sa akin yung araw na muntik na namin ikamatay ni Sly yun ay ang makalaban namin ang grupo ni Ross Mueler.

Tatlong katok ang ginawa ni Sly ito ay hudyat na mayroon isang leader ng Gang ang papasok sa loob. Isa itong bar, gimikan kung saan ang nagaganap ang isang underground battle.

"Passcode." Salita ng lalaking mata lang ang kita.

"Cashman." Salita ni Sly pag tapos ay bumukas ang pintuan at laking gulat ng lalaking nag bukas ng si Sly ang nakita niya, lumingon lingon muna ito saka kami pinapasok.

Isang mahabang hallway ang nilalakaran namin at pag hawi namin ng kurtina ay laking gulat namin na ibang-iba na ang lugar, mayroon malaking stage sa harapan na may nag sasayaw na babae sa gitna na bra't panty lang ang suot.

Ride or Die?Where stories live. Discover now