Chapter 39.

8.1K 248 2
                                    

Catherine's POV

"G! Promise me they will be the last." Salita ni Roman kay Sly pero parang wala itong naririnig at patuloy lang sa pag alis ng dahon sa lapida nila Jetro at Jarold.

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng ilibing sila Jetro. Isang linggo na rin kaming pumupunta dito pero kahit sila ni hindi man lang pinapansin ni Sly.

Nung namatay sina Jarold at Jetro ay parang namatay na rin si Sly. Dalawang linggo na itong hindi pumapasok sa opisina, dalawang linggo na siyang umiinom, dalawang linggo na halos walang tulog at mag mula noon ay parang hangin na lang akong dumadaan sa harap niya ni hindi niya nga ginagalaw ang pagkain na hinahain ko sa kanya ni isang bawas ng kutsara ay hindi nababawasan at ang mas masakit ni isang bato ng sulyap sa akin ay hindi niya magawa.

Sabi ni Paulo ay hayaan ko lang muna daw si Sly, kaya ganoon ang ginawa ko. Pero ang sakit, ang sakit na parang wala ako sa presensya niya, masakit kasi balewala ako sa kanya, para akong may kasama sa bahay na taong buhay pero patay naman, ang hirap kasi pilit kong iniintindi ang bagay na hindi ko maintindihan.

Sabi nila may mga pag subok na darating sa mag-asawa pero bakit hindi namin hinaharap yun ni Sly na mag kasama kami?

Pag tapos mag sindi ni Sly ng kandila ay nag lakad na ito palayo. Ganito lang halos araw-araw ang ginagawa niya mas matagal pa ang byahe namin kesa pag stay sa puntod nila Jarold, agad kaming nag lakad paalis, na para kaming buntot na naka-sunod sa kanya, hanggang sa pinaandar niya na ang kotse niya at naiwan ako na kasama ang Lyrical Assault.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Paulo and I just nodded. Pero hindi, hindi ako okay. Araw-araw dinudurog ang puso ko sa tuwing itina-trato ako ni Sly at pinapa-mukha sa akin na kasalanan ko. Kasalanan ko bakit na damay ang mga kaibigan niya.

Halos buong biyahe lang akong naka-tingin sa daan at hindi ko na napansin na nasa tapat na kami ng bahay, agad na binuksan ni Paulo ang pinto at inalalayan ako maka-baba.

Pag tingin namin ni Paulo kay Sly ay dere-deretso itong pumasok ng bahay.

"Salamat." Salita ko kay Paulo, isang tipid na ngiti lang ang ginawa nito at sumakay na ng kotse.

Huminga muna ako ng malalim tsaka pumasok ng bahay at dumeretso na rin sa kwarto si Sly. Agad itong pumasok sa walk in closet, na parang wala ako, na parang isa lang akong isang display sa loob ng kwarto.

Pag labas niya ay agad siyang umupo sa single chair nasa loob kwarto at nag salin agad ng whisky at parang tubig na lang kay Sly ang pag inom ng alak.

What happen Sly? That was the only question in my mind that i didn't know the answer.

Agad akong nag handa ng iluluto para sa hapunan, para maaga maka-kain si Sly. Iniisip ko na baka sakaling magutom siya para at least may naka-handa ng pagkain.

Pagka-lipas ng dalawang oray ay agad kong hinainan ng pagkain si Sly at inilagay sa tray. Pag bukas ko ng pintuan ay umiinom pa rin ito, isa-isa kong nilagay ang pagkain sa lamesa, tinitignan ko sa gilid ng mata ko kung susulyap ba sakin si Sly pero hindi niya yun ginawa.

-----

Halos hindi ko malunok ang kinakain ko habang pilit pinipigilan ang iyak ko. Isang malalim na hinga ang ginawa ko para malunok ang pagkain ko.

Ibang-iba ang bahay ngayon, wala akong marinig na malakas na tawa ni Sly, na mala awtoridad na tawag nito ng endearment namin.

10:00 evening nagpasya ako na kausapin na si SLY, wala na kong pake dahil nahihirapan ako sa nangyayari sa'min dalawa.

"Hoy!" Sigaw ko kay Sly. Patay ang itsura nitong tumingin sa akin and his eyes widend when he saw me handling a gun na naka-tutok sa kanya.

"Hindi ko na kaya yang drama mo Sly!" I added tumayo siya at tinutukan din ako ng baril.

Ride or Die?Where stories live. Discover now