Chapter 4: Wave

14.2K 782 282
                                    

#DS6Unwavering #CirCoal #SharkFamily #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS6Unwavering #CirCoal #SharkFamily #DaggerSeries

A/N: Sabi naman sa inyo hindi ako nagsusulat ng normal na taguan na anak. More on di magkahanapan na magulang ang mga 'to. Taguan ng tatay at nanay :D

CHAPTER FOUR: WAVE 

CIRCE'S POV

"She looks like an angel."

May ngiti sa mga labi na inayos ko ang kumot ni Kaise. By the time we reached home, she was already fast asleep. Kahit siguro may magpaputok sa harapan namin mismo ng fireworks ay hindi magigising ang bata.

It's one of the things I'm thankful for. Hindi si Kaise ang klase ng bata na madaling magising sa ingay kaya nakakakilos ako ng normal kahit tulog na siya. Hindi rin siya mahirap patulugin. Noong kapapanganak ko nga lang sa kaniya parang gusto ko na ring umiyak kapag hindi siya makatulog o kapag putol-putol ang tulog niya.

Year one with my baby was a challenge. I was adjusting, hormonal, and exhausted. Thanks to Tala and the kind people of Siargao, I survived.

Dala ang parent unit ng baby monitor na tahimik na naglakad ako palabas ng kuwarto. Nahuli ng ilang sandali si Coal na para bang hindi magawang lubayan ng tingin si Kaise. Nang makalabas na rin siya ay maingat na sinarado ko ang pintuan.

"You have a beautiful home," Coal said when we were back in the living room.

"It's actually my friend's house. Kasama namin siya ni Kaise minsan pero ngayon kasi ay may trabaho siya."

Tala is coaching a young male surfer she discovered here in Siargao. Ngayon ay lumalaban na sila sa ibang bansa. I didn't mind since, after dropping out of the competition in Australia, I haven't really competed again.

I'm planning to, though. After their competition, she'll help me with conditioning for the pro surfing competition in La Union this year.

I started training again almost a year ago. Hindi ko naman kasi gusto na mabuhay kami ni Kaise gamit lang ang ipon at trust fund ko. I have sponsorships, and I'm earning through my social media but I want to surf again. Mabuti na lang din talaga maaga akong natuto na mag-invest.

"You're not from here?"

"No. Sa Manila talaga nakatira ang parents ko. Sa Batangas naman ang mother ko." Kumunot ang noo niya na parang naguguluhan sa sinabi ko. "My biological mother was from Batangas. My father and adoptive mother live in Manila. "

"Bumibisita na lang sila rito?"

"Nope. They weren't in my life even before I had Kaise. Not that I want them to. I don't have a good relationship with them. I left home the moment that I knew that I was legally allowed to. I don't even use their surname publicly." Nang makita ko ang ekspresyon sa mukha niya ay binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Trust me. It's better that way."

Dagger Series #6: UnwaveringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon