Chapter 11: Yours

13.6K 773 184
                                    

#DS6Unwavering #CirCoal #SharkFamily #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS6Unwavering #CirCoal #SharkFamily #DaggerSeries

CHAPTER ELEVEN: YOURS

CIRCE'S POV

"Daddy shak!"

I looked up from my phone when I heard Kaise exclaim with glee. Tatawagan ko pa lang sana si Coal para sabihin na palabas na kami ng arrivals. Hindi ko kasi sigurado kung makikita ko siya agad dahil tiyak naman na maraming taong nakaabang sa mga dadating na pasahero.

I was wrong though. He wouldn't be that hard to find.

Imposibleng hindi siya makita agad. Not when he's standing at the front of the barrier while holding a giant banner with my name and Kaise's. Bukod pa ro'n ay hindi lang siya kundi maging ang mga kapatid niya, maliban kina Axel, Gun, at Luna, ang nakahilera at nakahawak din sa banner habang kumakaway sa direksyon namin. Even Lucienne is with them. May mga commitment siguro ang iba o kaya baka naiwan kasama ang mga anak nila dahil kung hindi ay baka nandito rin sila.

Nagpasalamat ako sa ground staff ng airport nang makita kong tumakbo palapit sa kinaroroonan namin si Domino para tulungan kami. Bukod kasi kay Kaise na nakasakay sa stroller niya ay may dalawang malaking maleta pa kami.

I traveled a lot before. Sanay ako na konti lang ang dala ko kahit saan pa ako magpunta. But it's hard to pack lightly when you have a toddler with you. Lalo pa nang pinamili ko si Kaise ng dadalin na laruan ay halos dalin niya na ang buong kuwarto niya.

"You're full of surprises, Daddy Shark," nangingiting sabi ko nang makalapit kami sa kanila.

Coal returned my smile and leaned down to kiss my cheek. "It's Lucienne's idea."

"Hindi ah. Ikaw kaya ang nakaisip," tanggi ng babae. "Ideya ko lang na lakihan ang banner."

"Right," he said, chuckling.

Binalingan ng binata si Kaise pagkaraan na nakaangat na ang mga kamay. Inalis niya sa stroller ang bata na kaagad namang sumama sa kaniya.

"Miss me?" he asked our daughter.

Kaise gave him a toothy grin before wrapping her arms around his neck.

It's been two weeks since Coal left Siargao. Dalawang linggo na lagi siyang hinahanap ni Kaise lalo na sa umaga dahil si Coal ang kumukuha sa kaniya sa kuwarto niya. It's both heartwarming and heartbreaking to witness.

A part of me, one that is used to being just Kaise and me, feels a little bit jealous of it. But there's a huge part of me that's also happy that my daughter has more to love now.

Nang lulan na kami ng malaking van na dala nila ay lumingon mula sa passenger seat si Lucienne. Sa tabi niya ay naroon ang asawa niya na siyang magmamaneho. "Lunch muna tayo bago dumiretso sa Batangas."

Dagger Series #6: UnwaveringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon