Chapter 373

202K 7.2K 5.8K
                                    

A/N:

TROPA! WE MADE IT!

Happy 1M to us!!! 🥳🎉🎊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Happy 1M to us!!! 🥳🎉🎊



Reviewing

Jay-Jay's POV

Ang aga-aga naman! Inaantok pa ko eh. Kainis!

Halos ayaw dumilat ng mga mata ko habang inaayos ko ang mga dadalhin papunta kay Sir Alvin. Nagbilin din siyang magbaon ako ng damit dahil hanggang bukas kami ro'n. 

Kung bakit gano'n katagal, ay hindi ko alam. Iba ang trip ni Kuya Angelo. Gusto yata niyang pag-aralan ko ang lahat ng lesson ng buong year. Hello? Madalas akong absent.

Baka gusto niyang maging si Albert Einstein ako.

Buti sana kung pareho kami ng IQ or kaya ng takbo ng brain. Yung sa 'kin kasi paurong ang takbo kaya puro ako kalokohan.

Napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang pagkatok at boses ni Tita Gema.

"Jay, kumain ka muna."

Sumagot naman ako kaso mukang hindi 'yon narinig ni Tita, binuksan pa rin niya kasi ang pinto para silipin ako. 

"Kain na. Kumakain na si Kuya Angelo mo do'n." Aya niya sa 'kin.

Napahikap ako bago lumapit sa kanya. Hinawakan naman ni Tita ang kamay ko habang magkasunod kaming naglakad papuntang Dining. 

"Napuyat ka ba kagabi? Bakit antok na antok ka?" tanong niya sa 'kin.

"Opo, kausap ko mga classmate ko kagabi."

Bahagya siyang natawa. "Bakit? Excited ba kayong magpunta kina Sir Alvin niyo?"

Sana nga excited sila, kasi hindi sila gano'n sa group chat kagabi. Panay ang murahan nila at hanapan ng mga nawawalang notes. Wala daw silang gagamitin ngayon araw. Meron pang nanisi kung bakit wala siyang naisulat sa notes niya.

Isinisi pa sa iba ang katamaran nila.

"Hindi po. Sadyang napuyat lang," sagot ko bago niya ko bitawan pagkadating sa dining. 

Nakaupo si Kuya Angelo at abala sa pagbabasa sa Ipad niya habang may hawak namang tasa ng kape ang isang kamay. Si Aries din nakaupo na at kumakain. 

"Maupo ka na Jay at kumain." Utos ni Tita at sumunod naman ako.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Bahagya ko ring sinampal ang magkabilang pisngi ko para magising.

"Akina, ako sasampal para magising ka," sabi ni Aries pero pinandilatan ko naman siya ng mga mata. 

"Gising na ko."

Tinawanan lang niya ko. Nagsimula na kong magsandok para kumain. Naging tahimik naman kami sa lamesa hanggang sa matapos si Kuya sa binabasa niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon