Chapter 374

133K 6.1K 4.6K
                                    

A/N: Ayow! See yah tomorrow.
Sorry sa typo and wrong grammar.

His Past

Jay-Jay's POV

"Uminom ka muna," utos ni Ma'am Cindy matapos ibaba ang baso ng tubig sa harap ko.

Pinapasok niya ko sa loob ng bahay ng makita niya ang kalagayan ko sa labas. Hindi ako kumakalma kahit sinusubukan nila Sir Alvin na ipagpatuloy ang pagtuturo. Idagdag pang ayaw umalis ni Keifer sa tabi ko kaya hindi mapakali ang ibang Ulupong. 

Ininom ko naman ang tubig. Kumalma na rin ako pero nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

"Mamaya ka na lumabas, tulungan mo muna ako maghanda ng lunch."

Tumango ako. Ayoko rin namang lumabas muna at magpakita sa kanila. 

Nang masiguro ni Ma'am na okay na ko, tsaka siya tumayo para lumapit sa ref. Sumunod naman ako sa kanya. 

"Pakihugasan mo muna ang mga 'to, tapos hiwain mo," utos niya matapos iabot ang supot ng gulay.

Lumapit naman ako sa lababo para gawin ang utos niya. Tahimik lang ako habang hinuhugasan ang mga gulay pero hindi ko pa rin mapigilan ang panginginig ng kamay ko. Naiinis ako nakikita 'yon ni Ma'am.

Baka isipin ni Ma'am Cindy, aping-api ako ni Kuya.

Nang matapos ako sa paghuhugas ng mga gulay, kinuha ko ang sangkalan at kutsilyo pero dahil nanginginig ang kamay binawi 'yon sa 'kin ni Ma'am.

"I don't think it's safe for you to cut those veggies," sabi niya at pinatabi ako.

"Kaya ko naman po, mawawala din 'to."

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Para kang si Angelo."

"Po?"

Narinig ko naman ang sinabi niya. Hindi ko lang makuha kung bakit niya ko nakumpara sa pinsan ko. Muka ba kong nagpapanggap na anghel? O kaya bumubuga ng apoy. Hindi rin naman akong mukang laging galit.

Nananakal ako pero hindi sa kama.

"Pareho kayo ni Angelo when we were in high school, matigas ang ulo, may pagka-impulsive, slightly innocent, at madalas ding mapaaway," paliwanag niya.

Si Kuya, kapareho ko? Weh? Parang ayoko.

Siya na ang naghiwa ng mga gulay. Ang bilis ng kamay niya na para bang sanay na sanay siya sa kutsilyo. Siguro dati siyang cook sa restaurant. Ganyan kasi ang kamay ng mga nakikita kong cook sa tv at internet.

"Kaya siguro ganyan ka niya tratuhin," dagdag niya na nagpahinto sa 'kin. "Kasi nakikita niya ang sarili niya sa 'yo, baka natatakot siya na magaya ka sa kanya."

Nagtaka ako. "Ano po nakakatakot kung magaya ako sa kanya? Maayos naman po buhay niya."

"Maybe his life is going well now, but before, he was completely lost. Napag-iwanan namin siya. Habang kami nagsisimula na sa mga career na pinili namin, siya nag-aaral pa rin."

NAPAG-IWANAN SI KUYA? Nakakagulat 'yon.

Hindi ko naiwasang mapansin ang lungkot sa mga mata ni Ma'am habang nagku-kwento tungkol sa pinsan ko. Sa pagkakaintindi ko si Sir Alvin at Kuya Angelo lang ang magkaibigan mula no'n. Pero mukang pati si Ma'am Cindy naging kaibigan din ng pinsan kong nagpapanggap na anghel.

Baka marami ring siyang alam na chika sa buhay ni Kuya. Kwento mo lang Ma'am.

"Baka ayaw lang niyang maramdaman mo rin ang naramdaman niya no'n."

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon