Entry #2

537 32 0
                                    

Dear stupid diary,

Umagang-umaga pa lang ay minalas na yang dati mong amo. Me together with my so-called best friends, Minerva and Erica, kasama pa ang apat ko pang alalay ay pinagtawanan si Hannah ilang minuto bago mag-umpisa ang klase. Basang-basa ito habang sinabuyan ng harina ang ulo at katawan. I was laughing hard that time. But, of course, I'm still laughing my ass off with beauty and grace. Pati ang nakapanood ay humalakhak din. Ganyan talaga 'pag ako nang-bully, lahat kumakampi. I'm their Queen. And no one can outdo this Queen.

Nang mag-ring ang bell ay iniwan na namin siya ng may nakakalokong ngiti sa aming mga labi. Yumuko lang ito at hindi umiyak. Tough girl. Well, good luck na lang sa pagtanggal ng harina sa uniform at buhok nito. Makakapasok pa kaya siya ngayong araw? Sayang di ko ito kaklase. Magiging mas masaya sana ang lahat.

Hate,

Venus

Diary of a Mean Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن