Entry #18

194 13 0
                                    

Dear stupid diary,

Tinatablan na ata ako ng freezing effect ni Ashford.

Kasi kaninang umaga, dahil nga katabi ko siya, nanigas ako bigla ng maramdaman ang pagtabi niya. Straight lang ang tingin ko sa blackboard at di lumilingon sa sides. Naaalala ko pa rin kasi 'yong nangyare kagabi. Pero parang nakalimutan na naman niya. O wala lang talaga sa kanya. Kinakabahan ako 'pag nandyan na siya kaya gumagawa ako ng paraan para i-busy and sarili ko.

Buti na lang at may basketball match sila Mark nong hapon at doon natuon ang pansin ko. Para sa Mapeh subject lang nila pero andaming nanood. Syempre kasama na ako roon. Pinayagan kami ng mga teachers due to students' demands. Andami kasing gustong manood. Nangunguna ako sa pagtili tuwing nakaka-shoot si Mark. Ang galing at ang gwapo niya talaga! Kyaaaah! Kaya di na ako nagtaka nong sila ang nanalo.

But then, after the game. Aabutan ko sana siya ng tubig at towel pero di na ako nakalapit. Kasi di ko kinaya ang nakita ko. Nauna na kasi si Hannah at niyakap pa siya ni Mark. Ouch, right? Napaatras na lang ako.

Nakakainis talaga 'yang dating amo po! Grr!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon