Entry #21

184 11 0
                                    

Dear stupid diary,

Isang buwan ng nangliligaw si Mark kay Hannah. Halos isang buwan ko na rin siyang binubully. Oo, ang tindi talaga ng dati mong amo. Patigasan talaga ang gusto. Ayaw niyang sumuko at syempre ganon din ako. Ramdam ko na ring malapit niya ng sagutin si Mark. Hindi ko alam kung bakit pinapatagal niya pa pero mabuti na 'yon sa parte ko. Pero paano nga kung sinagot niya na si Mark at maging official couple na sila? Anong ng gagawin ko? What would be my next move?

I still don't know yet... Kailangan ko ng backup plan. Dehado na ako.

However, hindi na kami nagpapansinan ng weirdong si Raven. Ewan ko ba sa isang 'yon! Huli na naming pag-uusap nong sinabihan niya akong obsessed kay Mark. Well, totoo naman at 'di ko na itatanggi. Anyway, 'yon nga't di kami nagpapansinan pero magkatabi pa rin kami sa klase at nakikisama pa rin siya samin tuwing lunch. Oh, di ba ang gulo? He's really a weirdo, right?

Alam mo 'yon feeling na parang wala siya pero nandoon siya? Yes, medyo magulo. Kasing gulo niya. Pero ganito talaga yan...Parang wala siya kasi 'di ito nagsasalita pero alam mong nandoon siya kasi ramdam mo 'yong aura niya. His cold aura that produces a freezing effect. Uh. Too much imagination. Haays! Bat' ko pa ba iniisip ang Ashford na 'yon. I shouldn't bother my pretty smart mind. Tsk!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora