Entry #6

241 22 2
                                    

Dear stupid diary,

Hannah received a bouquet of red roses this early morning. Positive. Galing kay Mark. Paano ko alam? Nandoon ako, eh. I'm one of their audiences. Kung ako siguro si Superman, patay na si Hannah sa laser beam na inilalabas ng mga mata ko. Nakusot ko pa 'yong hawak kong papel ng di namamalayan. Halos mabutas nga ito. Buti na lang naagapan ko, papeles kasi 'yon galing sa Student Council. Sana kutsilyo na lang ang hawak ko that time. Siguro nabura ko pa iyong mga matatamis na ngitian nilang dalawa at naterminate ko na rin si Hannah. Magaling kaya ako sa knife throwing! For sure, bullseye sakin ang bruhang yan.

On the positive side, sobrang sweet pala ni Mark, noh? I can't wait to see him be like that to me! Iniisip ko pa lang, gusto ko ng sabunutan ang sarili ko sa kilig. Gosh! Kailan niya rin kaya ako aabutan ng red roses? Pero ayoko na nong bouquet lang dahil ganon ang binigay niya kay Hannah! Gusto ko ng isang garden na puno ng rosas! Kahit pera ko pa mismo gamitin niya pampagawa, okay lang. Basta makita ko lang na inaalay nito sakin magiging masaya na ako ng sobra-sobra.

Kailan ba kami magiging couple ni Mark? Mahigit walong taon na akong naghihintay, ah. Tapos si Hannah na 'yan, nong isang taon lang nagtrasfer dito niligawan niya agad. Ano ba talagang meron sa kanya na wala ako? Oo, maganda siya pero MAS AKO. MAS matalino.  MAS talented. MAS mayaman. Di mo ba nakikita? MAS bagay ako sayo, Mark. Di ko nga pinapansin ang mga nanliligaw sa akin. Baka pag pinapila ko silang lahat ay akalain mong may pila para sa relief goods.

Anyways, nagwalk-out ako non at pumunta sa likod ng school para gutay-gutayin ang mga halaman doon at isumpa si Hannah. Ayoko kasing may makakita saking nawalan ng poise. However, do you still remember the pakialamero, stupid diary? Raven Ashford. That bastard! Nakita ko siya don na natutulog at nong nagising siya dahil sa mga sigaw ko sa inis, alam mo ba ang mga binitawan niyang salita? Mas lalong nadagdagan ang inis ko. Nangunguna na silang dalawa ni Hannah sa death list ko.

'Wala ka ng pag-asa kay Mark. Itulog mo na lang 'yan.'

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlWhere stories live. Discover now