Entry #10

233 14 0
                                    

Dear stupid diary,

Sunday. Binalak kong magjogging palibot sa subdivision. Paglabas ko sa gate namin ay akala ko'y naghahallucinate lang ako. Nakita ko kasi si Raven Ashford sa may kalsada! I was shocked! Sinigawan ko ito at tinanong kung paanong nakapasok siya dito sa higpit ng security. Binara niya ako at nagpag-alaman kong mas nauna pa pala silang tumira sa subdivision kesa samin. Bwisit! Ako na si Venus Sinclair ay binabara lang ng pesteng 'yon?! Rawr! Pero ang nakakagimbal sa lahat ay magkapit-bahay pala kami?! All these years ngayon ko lang nalaman. What the hell, right? Tinanong ko nga siya kung paanong di ko alam o napansin man lang. Ang sagot niya ay puro daw kasi ako Mark. Nga naman! Puro nga naman si Mark ang inisip ko kaya dapat di ko na siya intindihin dahil may Mark pa akong aakitin.

So I continued my real plan and jogged to stay sexy and fit. You wouldn't know baka maisipang bumisita ni Mark sa subdivision namin at makita niya ako in my sexy jogging outfit, cropped tank top and shorts. Sa sobrang sexy ng suot ko ay may sumipol sa akin sa daan. Nainis ako dahil hindi naman siya si Mark. Kaya ayon, binato ko sa kanya ang hawak kong bottled mineral water. Bullseye! Sana andito si Hannah para may mapagtripan ako.

Biglang sumagi sa isip ko, paano kaya kung si Mark 'yong kalapit kong bahay? Damn! I'll visit him everyday!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlWhere stories live. Discover now