Entry #12

202 14 0
                                    

Dear stupid diary,

So tell me, did Raven Ashford suddenly become a mushroom? Palaging sumusulpot! Ang peste, tumatabi pa! Wala naman itong ginawa kundi matulog o wala lang. As in, walang imik, walang salita. Ilang beses ata akong napamura sa gulat kasi bigla ko na lang siyang katabi. Tulad nong lunch, naki-sit in samin ng walang pasabe! Kapal, noh? Si Minerva at Erica na starstruck. Ang mga bruha, kinikilig! Mga bwisit!

Pero di ko sila masyadong pinansin that time kasi busy ako sa pagcoconcentrate kakatitig ng masama kila Mark at Hannah na sabay maglunch. Asan ang food poisoning pag kailangan?! Pero dapat sa pagkain lang ni Hannah, hah? Ayaw kung mawalan ng ama ang mga future babies ko.

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu