Entry #23

182 12 3
                                    

Dear stupid diary,

Ka-chat ko kanina si Mark. Syempre kinikilig na naman ako. Grabe lang 'tong weekend na 'to, sunod-sunod na nagkararoon ako ng chance makita at makausap siya.

Nagkamustahan lang kami at medyo maikli lang 'yong pinag-usapan namin pero okay na rin 'to. At least, meron, right? Agad siyang nagpaalam kasi may inaasikaso pa daw siya, kagaya kahapon. Mukhang busy siya nowadays. Tinanong ko siya kung ano ang pinagkakaabalahan niya pero sumagot lang siya ng 'secret and surprise'. Malalaman ko na lang daw sa monday. Alright! I guess, I'll wait for tomorrow then. I'm quite excited! Ano kaya 'yon, ano? Magugulat nga ba ako?

Hate,
Venus

Diary of a Mean GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon