Entry #13

198 15 0
                                    

"What's that?" Turo ni Erica sa hawak ko. Ito 'yong diary na naagaw ko kay Hannah. Palagi ko kasing dala sa school so I can write on it whenever I want, mostly during my free and alone time.

"None of your business." I answered. "Kamusta na ang inuutos ko sayo?" Pinapagawa ko kasi sa kanya 'yong plano ko sa pagsira ng araw ni Hannah ngayon.

"Okay na, girl!" She told me. "Manonood na lang tayo dito sa second floor." Dumungaw ako sa baba at mukhang nakapwesto na nga sila.

Ilang minuto lang ay natatanaw ko ng paparating ang target. We chuckled evilly. When Hannah reached the right spot, eggs were thrown to her simultaneously. Tumatawa lahat ng nanonood, kasama na ako syempre.

Sayang! Dapat egg ng ostrich ang binabato nila. I'll laugh really hard if that happens. Mas malakas siguro impact non, noh?

Yumuko agad si Hannah at itinakpan ang mga braso nito sa mukha. But sorry na lang. Napapalibutan na kasi siya ng mga alipores ko. Wala siyang takas.

I was in the middle of laughing when someone yanked my arm. What the hell!

"Hey! Anong--!" Di na natapos ni Minerva ang pagtataray niya ng makitang si Raven Ashford ang humila sakin. I frowned. He really have this effect in other girls. Minerva and Erica froze on their spot. Palaging nangyayare 'to kaya di na ko nagulat. Pati sa iba pang girls na malapit sa kanya, ganyan din! Tsk! Freezing effect. Napapatitig na lang sila sa mukha nito.

Oo na! Gwapo talaga siya! But his powers won't effect on me. Kay Max, pwede pa.

"What do you want?!" Mataray kong tanong.

"Stop it." He said. Same bored eyes.

"What?"

"Your little party down their...Stop it." Tinaasan ko ito ng kilay. Inuutusan niya ba ako? Me? Venus 

Sinclair? Inuutusan ng isang...ng isang...

Ugh! Wala akong maipanglait sa kanya! Grr!

"Why would I? I'm enjoying it." I said with a playful smirk on my lips. I'm really, really enjoying it.

"Make them stop."

"Ayoko!" Ano bang pake niya, hah?

"Tumigil ka na."

"No!" Matigas kong wika. Nagsukatan kami ng tingin.

Bat ba kailangan niyang makialam? Hindi naman siya apektado. Is he connected to Hannah? Does he care for her? Kaya ba dati pinigilan niya rin akong saktan siya? Pinigilan niya akong sampalin si Hannah noon. Ibig sabihin ay ayaw niya itong masaktan. Ayaw niya ring binubully ko siya. Why? Huwag mong sabihing...Err. He likes Hannah, too?! Owkamon! Ang haba naman ng buhok ng Hannah na yan, hah! Gandang sabunutan!

"Hey! Ano ba?!" Sigaw ko ng bigla niya na lang akong kinaladkad palayo sa dati naming pwesto. Sila Minerva at Erica naman, natanga lang sa kintatayuan nila. Tsk! His effect on them is really annoying. Annoying as hell! Buti ako di tinatablan.

Pumasok kasi sa room namin at umupo--I mean, hinila paupo. Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Anong ginagawa namin dito? Ilang minuto pa bago mag-umpisa ang klase. Yong mga classmates namin asa labas pa at nanonood sa baba. Damn! Gusto ko pang manood, eh.

Sinubukan kong tumayo pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila paupo ulit. Aaargh! Damn you, Raven Ashford!

"Umamin ka nga," Nakuha ko ang atensyon nito at napatingin sa akin. "May gusto ka kay Hannah noh?!" Binigyan ko ito ng mapanuring tingin. His bored expression changed. It turns into a frown. Weird. So what's the meaning of that? Positive ba or not? "You like Hannah, right? That's why you're protecting her from me!" I said accusingly. Hinila ko ang kamay kong hawak niya pa rin, pero di niya ito binitiwan.

Umirap ito at hindi sumagot. Inirapan niya ba ko? Fudge! Bading ba 'to?! Uh. On the second thought, hindi siguro. May gusto nga ito kau Hannah, right?

Sumandal na ito sa desk para matulog at di na ulit kami nag-usap. Hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang sa mag-umpisa ang klase...hangang sa next subjects. Hinihila ko 'to pag magrerecite ako pero ayaw niya talagang bitawan. Yong kaliwang kamay na lang tuloy ginagamit ko. Tsk!

Dear stupid diary,

My conclusion for today: Raven Ashford likes Hannah Cruz that why he's stopping me from bullying her.

Badtrip!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlWhere stories live. Discover now