Entry #14

203 15 0
                                    

Dear stupid diary,

Absent si Hannah kanina. Great news!

Syempre pagkakataon ko na namang dumikit kay Mark kaya talagang sinamahan ko siya sa lahat ng pagkakataon. Kasama sila Minerva at Erica, gumawa kami ng paraan para magtagpo palagi ang landas namin dahil iba din ang section niya. Kaya ayon! Nong break time, kunyare nakasalubong ko lang siya at inaya dahil wala akong kasamang pumunta sa canteen. Sa lunch, sabay din kami kasi kunyare (ulit) nauna na sila Minerva at Erica. Bago magresume ang class in the afternoon. Kunyare (na naman) may aksidenteng nakatapon ng juice sa uniform ko. Actually, isa 'yon sa mga alipores na inutusan ko kaya nagbait-baitan ako at sinabing okay lang. Pero kung ibang tao 'yon, bubuhusan ko din siya ng juice at ingungudngud sa platong pinagkain ko. Kapal ng mukhang niyang buhusan ako?! Ehem! Well, anyways, back to my story. So, being the gentleman Mark that I know, inasikaso niya ako at pinahiram ng extra T-shirt niya. Kyaaaah! I'm so kinikilig talaga that time! As in! Pero syempre di ko pinakita.

Everything was planned. Hanggang sa uwian tinodo ko at kunyare (last na) coincidence (na naman) na nakasabay ko siya papuntang parking lot ng school at kunyare (okay. last na talaga!) tinext ako na wala pala 'yong driver namin. Sinabi ko 'yon kay Mark kaya kagaya ng asa plano ay nagpresenta itong ihatid ako pauwi. My acting skills is so great that time. Everything was running smoothly. Every plan was on the right track. Not until...Not until sumulpot si Raven Ashford at sinira ang lahat! Aaargh! He told Mark that we're fucking neighbors and that I can go with him instead! Fuck! Sumang-ayon na si Mark so wala na akong magawa that time! Nakakainis! Sayang! Balak ko pa namang i-kiss sa cheeks after niya akong ihatid as my thank you. Pagkakataon ko na 'yon, eh! Planado na nga, napornada pa! Bwisit!

Kaya ang pesteng si Raven ang naghatid sa akin pauwi. By the way, he had a hot sports car. But I still hate him for ruining my plan!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon