Entry #22

179 11 0
                                    

Dear stupid diary,

Oh my gosh! Hindi ko alam kung paano siya napunta rito pero--Kyaaah! Oh my! Nandito si Mark sa subdivision namin! Waaaaah! Kinikilig ako!

Alam kong palagi ko na siyang nakikita during weekdays pero iba pa rin ngayong sabado. Buti na lang at nadaanan ko ang basketball court dito at nakita ko siyang naglalaro. Naagaw lang kasi nito ang pansin ko ng makitang marami ang nanonood at--Bam! Nakita ko si Mark babes! Buti na lang fashionable ang outfit ko that time. Kundi ay baka umuwi pa ako para makapag-ready. I think they're having a friendly game. Kung paano siya napadpad dito ay wala na akong pakialam. Basta ang alam ko kinikilig ako sa kagwapuhan niya. Kyaaah!

At syempre, I shouted his name to get his attention and for support. Di ako nabigo at napatingin siya sa gawi ko. Nginitian niya ako at sinuklian ko din 'yon isang napakatamis na ngiti ng may kaway pa. Pero ang ngiti kong iyon ay unti-unting nawala ng mahagilap ng mata ko si Raven. At kasama pala siyang naglalaro! Agad kong napansin na magkalaban ang grupo nila Mark. Hindi ko alam na naglalaro pala siya. Well, sabagay, all boys naman ata may hilig dito. Uh! Di ko ma-explain 'yong mukha niya. Mukhang siyang iritado at galit na ewan. Basta mukha siyang badtrip. Akala ko natatalo na ang grupo niya pero nong tignan ko naman ang scoreboard, pantay lang naman. Ano kayang kinaiinis niya?

Nagtuloy-tuloy ang laro at doon ko napansin ang sama ng tingin niya kay...Mark? He's glaring at Mark? Hindi ko alam kong bakit pero siguro ay may kinalamanan si Hannah dito. May gusto siya sa bruha 'yon na nililigawan ng Mark ko kaya siya naiinis dito. Ahm. Tama ba? Well, maybe it's a yes. Wala naman ibang pang rason akong naiisip. Hindi ito isang competition game pero mukang seryosong nagkikipaglaban si Raven. At doon ko napansing magaling pala siya sa laro na 'to. Ahead na 'yong score ng grupo nila dahil sa kanya. Now I wonder why is he not a member in basketball team. He's a great player.

Tuwing nakaka-shoot si Mark ay sumisigaw ako. Kapag si Raven naman ay daig ko pa ang napipi. Hindi ko alam kong susuportahan ko ba siya o ano. Hindi naman kami close. Hindi rin kami magkaibigan. Sa pagkakatanda ko ay magkaaway kami at kamakailan lang ay di kami nagpapansinan. Bakit pa ba ako nagdadalawang-isip kong iche-cheer ko siya o hindi? Of course, it's a no. Mamaya isipin niya pang FC ako. Tsk!

Natapos ang game na nanalo ang grupo nila Raven. Despite of that, Mark still smiled at them. Nilahad pa nito ang kamay niya kay Raven for a handshake. Pero si pesteng Ashford ay tumalikod lang! Grr! Grabe talaga 'yong isan 'yon! Kung magtaray parang babae! Para di mapahiya si Mark ay tinakbo ko ang pagitan namin at ako ang tumanggap ng kamay niya. Pinuri ko ang galing niya sa paglalaro. Syempre kahit talo ay siya pa rin ang magaling sa akin.

Ang kaligayahan ko ay agad ding naputol dahil agad ding umalis si Mark. May pupuntahan pa daw kasi sila. Napag-alaman ko ding may kaibigan siyang taga-rito at nagkayaan silang maglaro. Haays! Sana kung sino man 'yong kaibigan niya dito ay ayain niya ulit na maglaro.

Hate,
Venus

Diary of a Mean GirlWhere stories live. Discover now