Entry #4

322 23 0
                                    

Dear stupid diary,

Naiinis ako ngayong araw pero wag kang mag-alala di pa kita susunugin. Ilang araw na simula akong mag-umpisang i-bully si Hannah. Araw-araw, iba't-ibang way ang inuutos ko sa mga alalay ko para bwisitin siya at ipahiya. Ginagawa ito sa iba't-iba ding oras na hindi niya inaasahan. It was always funny. Very entertaining.

But, today, I realized that she doesn't look affected. I mean, hindi ito umiiyak o nagreklamo. Hindi rin ito nagmamakaawa para patigilin na kami. Weird. Basta tinatanggap lang nito ang ginagawa namin, yuyuko at tahimik na aalis after. Nabwisit ako ng sobra. I'm not getting any satisfaction! Gusto kong makita itong magmakaawa. Gusto kong matakot ito para siya na mismo ang lumayo kay Mark. O kaya naman ay patigilin na nito sa panliligaw. Basically, halos lahat ng estudyante sa eskwelahang ito ay alam ang nararamdaman ko kay Mark. At alam ko naman na gets ng bruhang 'to ang pinapahiwatig ko. Pero mukhang di ito papanig sa kagustuhan ko. Sa katunayan ay sinabi niya ito mismo sa akin. Sa sobrang inis ko ay binalak ko itong sampalin. Balak kong samahan ng kalmot galing sa mahahaba kong kuko ang pagdaan ng palad ko sa panget niyang mukha. Iniisip ko pa lang na masisira ang mukha nito ay tuwang-tuwa na ako. Magugustuhan pa kaya siya ni Mark?

One...Two...Three...Pero di dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Alam mo ba kung bakit?

KASI MAY PUNYETANG PUMIGIL SA KAMAY KO.

Una akala ko si Mark. Medyo kinabahan ako. Pero nang makitang ibang tao ay halos patayin ko ito sa tingin. Kahit na nanggagalaiti ako sa galit ay rumehistro pa rin sa utak ko na gwapong lalaki ang pumigil sa akin. His eyes look bored that time. Sleepy, too. Hindi ko siya kilala pero naka uniporme ito ng gaya samin kaya sigurado akong school mates kami. He's tall and hot with his fashionable messy hair. Pabalang kong kinuha ang kamay ko sa kanya. Pinigilan ko ang maliit na admiration na nararamdam ko dahil ang pagpigil niya sa pagsampal ko kay Hannah ay nangangahulugang kakampi niya ito. Damn, bitch! Nakakainis talaga yang dating amo mo! Pati 'yong pakialamero, nakakainis rin! Aaaargh! Magsama silang dalawa! Mga bwisit!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon