Entry #19

187 13 3
                                    

Dear stupid diary,

Gusto mo bang malaman kung paano ako nagkaroon ng undying love kay Mark?

Ganito kasi yan... Noong Grade 1, wala pa akong mga friends kaya palaging mag-isa ko lang. Although, may yaya akong nakasunod di ko pa rin maiwasang isipin na mag-isa lang ako sa school. And then, may nangbubully sakin na lalaki. Palagi niya akong inaasar. Eh di ba ng may iyakin side ako? So palagi akong umiiyak pag nang-aasar na siya. Doon pumasok ang prince ko sa pagkatao ni Mark babes. He rescued me from the evil bully. Palagi niya rin akong pinapatahan sa pag-iyak noon. Palagi niya na rin akong sinasamahan kaya naging close kami. We became friends at doon ko na rin napansin ang paghanga ko sa kanya. Bukod kasi sa itsura at ang bait din nito.

Classmates kami until Grade 4. Tapos nalipat na siya ng ibang section the next school year at hanggang ngayon di ko na siya naging kaklase. At nakakainis talaga 'yon. Pero di ko naman kayang imanipulate ang sectioning kaya tinanggap ko na lang.

Hanggang sa ngayon ay dala-dala ko pa rin ang paghanga sa kanya kahit sobrang dami na ang nanliligaw sakin. Kay Mark lang ako nakatingin. Gusto ko rin na siya ang magiging first boyfriend ko, first kiss, first hug... First in everything.

Hate,
Venus

Diary of a Mean GirlWhere stories live. Discover now