Entry #16

190 13 0
                                    

Dear stupid diary,

Hindi ako marunong magluto. Hindi pa ako tumapak sa kusina namin para magluto. Bagsak ang grade ko kung naging subject namin yan.

Importante ang karunungan sa pagluluto kaya hinihiling ko na sana ang mapapangasawa ko balang araw--slash Mark--ay marunong magluto. If not, okay lang din. We can learn it together. I'll consider it as our sweet bonding. Pero mas maganda siguro kung oo and then siya mismo magtuturo sa akin, right?

Pero kung sakali naman, na alam ko naman hindi pero kung sakali lang talaga, na hindi si Mark ang mapapangasawa ko...Uh. Ahm. Di ko alam, eh. Feeling ko si Mark talaga.

Mark babes! I love you! I wish you know how to cook my favorite dishes!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora