Entry #9

217 15 0
                                    

Dear stupid diary,

Sabado ngayon. Anong magandang gawin? Nakita ko si Hannah pala kahapon sa hallway. Kaming dalawa lang ang magkakasalubong. Napaaga ata dismissal nila. Ako, inutusan lang na kumuha ng files. May dala na naman itong mga rosas. Bigay na naman siguro ni Mark.

Nakita ko kung gaano natakot ang mukha niya ng makitang kaming dalawa lang sa hallway at nagkaklase ang iba. I just gave her my famous smirk. Scaredy-cat. Kumulo talaga ang dugo ng maalala ang halik ni Mark sa noo niya. Inaagaw ko ang hawak niyang bouquet. Iuuwi ko sana para isiping bigay ni Mark sakin pero noong nakita ko 'yong card na nakadikit dito, nabwisit lang ako. 'I really like you, Hannah.' ang nakasulat. Di ko na napigilan ang sarili ko at hinampas ko na ito mismo sa mukha niya. Umulan ng petals ng rosas ang pwesto namin. Yumuko lang ito ng pinagbantaan ko siyang layuan niya na si Mark. Inutusan ko na rin siyang maglinis sa kalat na ginawa ko tsaka ko siya iniwan. Payback, bitch.

Anyways, anong magandang gawin ngayong sabado? Wala kasi sila mom and dad. Asa business trip. Only child lang din ako kaya wala akong maayang lumabas. Sila Minerva at Erica? Tsk! Wag na lang.

Boring talaga! Enebeyan!

Hate,

Venus

Diary of a Mean GirlWhere stories live. Discover now