CHAPTER 6
"When you're inlove, corny things become sweet, simple things become sentimental, and priceless moments become precious."
-c.Nagising si Damon nang 5:15 am. I called a nurse to check him up. Pagkatapos nun ay nagkausap na kami. He said sorry for making me worry. Wala naman siyang kasalanan e. And I care for him that's why I got worried. He's still weak but all in all he's recovering. Doktor na ang magsasabi kung kailan siya pwedeng ma-discharge.
"You rest, bhie. May exam ka pa mamaya." Aniya.
"Ikaw ang magpahinga. I'm okay."
"No. Papasok ka mamaya. Ayokong maging destruction sa studies mo."
"Damon, I'm fine. Hindi kita iiwan, okay?"
Sinimangutan niya ako. "I am okay. Hindi ako magiging okay kung hindi ka mag-eexam mamaya nang dahil sakin."
"You are so stubborn. You sleep!"
"You are so hard-headed, bhie. You should take a rest."
Napailing na lang ako. Ayaw talaga magpatalo. I should stop now kung ayaw naming mapunta pa sa kung saan ang usapan namin at baka maistorbo namin ang mga magulang niya. Hiniga ko na ang ulo ko sa tabi niya habang hawak pa rin ang kanyang kamay.
Pinikit ko na ang mga mata ko. He is gently caressing my hair. Hindi ko alam kung nagpapahinga na rin ba sina Hunter sa labas. Hindi naman nila kailangan magbantay dahil hindi naman presidente ng Pilipinas ang pasyente na ito.
"I'm sorry, bhie. Hindi ko na dapat pinatulan si Charles. I made you worry. Sleep tight." Bulong ni Damon habang patuloy pa rin sa paghawak sa buhok ko.
This Damon! Hindi ko aakalain na magiging ganito siya kalambing, understanding, at mapagmahal. Ang akala ko, hindi magiging maganda ang pagpasok ko sa St. Mary's University nang dahil sa kanya. I'm very thankful na nagpursigi talaga siya para sakin. He truly loves me that much. Kahit ilang beses ko siyang tinulak noon, he still wanted to stay.
Nagising ako sa mahihinang tapik ng kung sino sa balikat ko. Tinignan ko kung sino... mommy pala ni Damon. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Magkakasama nang kumakain sina Hunter, Traz, Michael, at Brix. Nakapagpalit na rin sila ng damit. Nakauwi na kaya sila? At talagang hindi sila pumasok.
"Eat your breakfast, hija." Malambing na sabi ni Mommy Debby.
Tumango na lang ako.
I stood up at may inabot na paper bag sakin si Ate Aubrey, ang asawa ni Kuya Dion. Nasa loob ang mga damit ko at may toothbrush rin. Ang sabi niya, dinaan daw kanina ni Ate Hershey.
Nagpunta na ako sa banyo at nag-toothbrush. Nagpalit na rin ako ng damit. Saka ko napansin na nandun rin pala ang cellphone ko. I texted Ate Hershey to thank her. Pagkatapos ko mag-ayos, sinamahan ko na sina Hunter.
"Hindi talaga kayo pumasok ha." Sabi ko.
"Mas okay na ang special exams, Gibrielle. Mas madali." Ngumiti si Michael.
"May pupuntang pulis dito mamaya for the interview. Huwag ka ng sumali doon, Gibrielle." Seryosong sabi ni Hunter.
"Ha? Bakit? I started it, I want to help, Hunter."
"Hindi magugustuhan ni Damon. Hindi ka dapat madamay pa."
"But-"
"Huwag na matigas ang ulo, Gibrielle." Pagpuputol ni Traz sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
That Frat Leader (TFL SERIES #1)
RomanceThat Frat Leader is my Prince (Book 1) That Frat Leader is my Ex (Book 2) That Frat Leader is my First Love (Book 3)