BOOK 3 - Chapter 45

268 8 1
                                    

CHAPTER 45


Happy New Year, everyone! I'm sorry for another year of waiting. But I really appreciate and thank you for still supporting this story. I hope you still support the next stories that I will make for you.


"Lessons come after the reasons."



"Bye!" Sabi ko nang ihatid ako ni Damon sa trabaho. It's Sunday kaya sa bahay lang siya niyan. Hindi ko alam kung anong gagawin niya pero nabanggit niyang baka magkita sila nina Traz.


"Bye, wife!" Ani Damon saka ako hinalikan sa labi.


Iniwan ko na siya doon at sumakay na sa elevator. Hindi naman ako masyadong maaga tuwing papasok. Palagi akong nasa range ng 30 minutes to 45 minutes early.


Iniwan ko na ang gamit ko sa locker at pumasok na sa production floor. We had a team meeting that's scheduled every Sunday. Pagkatapos ay nagpatuloy kami sa trabaho.


Nang mag-break ay chineck ko ang phone ko. I received a text message from Ate Hershey. Iniinvite niya kami for family dinner sa bahay. Syempre pumayag ako agad. Nabanggit na rin naman niya sa kanyang text na nasabihan na niya si Damon at nireplyan lang siya na sa akin magsabi. Natawa ako.


"Uy, si Gibrielle kinikilig." Kantyaw ng mga kasama ko na hindi ko man lang napansin sa paglapit.


"Hindi no. Ate ko 'to."


"Akala ko wala na ate mo?"


"'Yung pinsan ko 'to. Family dinner daw kami." Sabi ko.


"Ay bongga! Family dinner, sakto rest day na bukas."


Ngumiti na lang ako. Nagpaalam na sila na mauuna na dahil patapos na ang 15-minute first break namin. Nireplyan ko si Damon at sinabing tuloy kami mamayang gabi kina Ate Hershey. Nagtext kasi siya na magkakasama na silang anim. Nagtext din sa akin si Traz at kung makaasta daw sila parang mga single pa rin. Saka ko nireplyan din si Traz kung sila na ba talaga ni Love.


Binalik ko ang phone sa locker. Hindi na ulit nakumpleto ang pitong mga leaders ng Alpha Gamma Phi na nakilala ko. Simula nang umalis si Hunter at magpunta ng Canada, naging busy na rin sila sa kanya-kanyang buhay. Sabi nga nila, adulting.


As usual, nagsagot kami ng emails at palagi ko naman nami-meet ang target number of emails ko. Pare-pareho kaming team at natutuwa ang Supervisor namin dahil nangunguna ang team pagdating sa performance.


Nang matapos ang shift namin, nasa parking lot na agad si Damon at hinihintay ako. Hinalikan niya ulit ako nang makasakay na ako ng sasakyan.


"Did Ate Hershey mention to you na may sasabihan siya?"


Napalingon ako kay Damon na nagda-drive. "Wala naman."


Wala naman kasing reply si Ate Hershey mula sa text ko kanina.


He shrugged. "Baka overheard ko lang siguro when we spoke over the phone."


Nagkibit-balikat na lang din ako.


Pagkarating namin sa bahay, syempre para naming namiss ang isa't isa. Ilang linggo na nga ba simula nung pumunta ako dito? At iyon na rin ang huling kita nila kay Avee.


Speaking of my baby, nakakausap ko naman siya minsan through facetime. Pero dahil sa busy na rin ako sa trabaho at siguro nakakabawi na talaga si Claire sa anak niya, hindi na ako masyadong hinahanap ng bata. Pero natutuwa ako dahil mommy pa rin ang tawag sa akin at hindi naman daw hahayaan ni Claire na makalimutan ako ni Avee.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon