Chapter 33

2.2K 50 4
                                    

CHAPTER 33

Naiinis ako kay Zanea dahil tinawagan niya kaagad si ate. Nag-aalala tuloy siyang pumunta kaagad ng university. Nalagyan na ng kung anong cream ng nurse ang mga kalmot ko. Si Ate Gail, hysterical na rin. Mas bagay silang magkapatid ni Zanea. But it just feels so good that I still have my sister who cares about me.

"Gib! Sino ba kasing gumawa niyan?" Sigaw niya sakin.

"Wala 'to, ate. I'm fine."

"No! Gusto ko managot ang mga gumawa niyan. Zanea, sino gumawa nito sa kapatid ko?" Baling niya sa kaibigan ko.

"Hindi ko alam, Ate Gail. Nakita ko lang siyang ganyan na ang itsura."

"E bakit hindi kayo magkasama?" Tanong ni ate.

Tumulo ang luha ko. Lalong nag-alala si ate na baka natamaan niya ako. Hindi kami magkasama kasi kinausap ko si Damon. Nakipaghiwalay na ako gaya ng gusto mo. Para sayo, ate, iniwan ko ang taong mahal ko... ang nag-iisang taong magmamahal sakin ng todo.

"I talked to Damon," Nanghihina kong sabi. "I broke up with him." Humagulhol na ako.

"Gibrielle," Niyakap ako ni ate. "I'm sorry."

Suminghot ako. Ayokong sisihin si ate sa naging desisyon ko. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang nang-iwan. I am the one to blame. Isa pa, bakit siya nagso-sorry? Eto ang gusto niya diba?

"I'm sure gawa 'yan ng mga fans ni Damon. He's a frat leader at lahat ng mga nagpapapansin sa kanya, sinusugod ng fansclub niya. Nagsasawa na akong gumamot ng kalmot."

Napalingon ako sa nurse na nagsalita. May pagka-pakialamera rin siya. Tinago ko na lang ang inis ko. Wala na. Sabog na. Kung nakaka-kalmot lang din ang tingin, napuno na siya ng kalmot at sarili na niya ang gagamutin niya.

"Frat leader? Si Damon?" Naguguluhang tanong ni ate.

"Hindi mo alam? Leader ng sikat na frat ang boyfriend ng kapatid mo, ma'am. Responsible naman ang Alpha Gamma Phi e." Sagot nung nurse pero umalis na rin nung may estudyanteng pumasok sa clinic. Oh, gosh! Nasapo ko na lang ang noo ko.

Binalingan ako ni ate. "Why didn't you tell me? Gibrielle, kelan ka pa natutong maglihim sa akin? I'm right. Damon is dangerous-"

"He's not, ate." Pagpuputol ko. "And please. Let's stop talking about him. Wala na kami."

I never intended to sound bitter and nagger but it just came out. Tumayo ako at lumabas ng clinic. Pagod na akong mag-explain sa mga bagay na alam kong hindi tatanggapin ni ate. Pagkalabas ko, I saw him. Damon's waiting outside. Nakatayo siya habang titig na titig sakin palabas. Naramdaman ko na rin sina ate at Zanea sa likod ko pero humarang sa harap ko si ate nung lumapit si Damon.

"So, you are a frat leader?" Asik ni ate.

Nalaglag ang panga ni Damon nang marinig iyon. Nagtaka siguro siya dahil ngayon pa lang nalaman ni ate ang pagiging frat leader niya.

"Yes, I am..." Mababa ang boses na sagot ni Damon.

"Please, I'm begging you, stay away from my sister. I don't want her to get hurt. At hindi ko hahayaang mapalapit siya sayo."

Nanlaki ang mga mata ko nung lumuhod si Damon. "D-Damon..." Ghad! Sobrang sikip na naman ng dibdib ko. Sobrang sakit. He didn't have to do this. I know this is too much for him.

"I'm begging you too. Bigyan mo ako ng pagkakataon. Mahal na mahal ko ang kapatid mo. And I will die if she'll leave me. Please."

"Are you willing to give up everything for my sister?" Nanghahamon na tanong ni ate.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora