Chapter 21

2.9K 83 5
                                    

CHAPTER 21

"Kamusta, Gibrielle?" Nakangiti niyang tanong.

Nanigas na yata ang buo kong katawan. Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung sunod na gagawin. Naramdaman ko na rin ang paghawak ni Damon sa kamay ko. Nung mahanap ko ang sarili ko, tumakbo ako palabas ng bahay.

Alam kong sumunod si Damon sakin. Hindi ko pinansin ang tawag ng mga kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala. I'm shocked to see Christian.

"Gibrielle! Sino sila? Sino siya?" Tanong sakin ni Damon nung habulin niya ako sa labas. Nasa bakuran pa kami ng bahay, parang gusto kong makaalis dito. "Tell me. Who is he?"

Napatitig ako sa mga mata niya. "The one who first broke my heart,"

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na nasaktan na ako noon nang dahil sa isang lalaki. Para sakin kasi, hindi na iyon importante. Gusto ko na lang kalimutan.

"Why didn't you tell me about him?"

"He's not important, Damon."

Niyakap niya ako. "Bakit sila nandito? Gusto mo ba paalisin ko na lang?"

Umiling ako sa dibdib niya. "I don't know the reason why they're here,"

Pinakalma niya ako bago kami bumalik sa loob. Sobrang lungkot ng mukha ng mga kaibigan ko. Nakaupo sila sa sofa pero napatayo nung makita ako. Hindi ko muna binigyan ng pansin si Christian. Pinilit kong ngumiti para sa mga kaibigan ko. Jastel, Sarah, Vaine, and Imee are my college friends. Isang sem pa lang kami nagkasama pero iba na ang attachment namin.

"What brings you here, guys? Namiss niyo na ako agad?" Umupo ako sa single sofa habang nakatayo sa gilid ko si Damon. I tried to sound normal.

"We deceided na surpresahin ka. Alam kasi namin uuwi ka bukas." Sagot ni Imee.

"Ah. Sobra akong nasurprise."

"Ihh, Yang, sorry kung alam mo na. Hindi namin alam na," Nginuso niya si Damon. "Saka gustong makipag-ayos ni Christian kaya sinama namin siya."

Nilingon ko si Damon. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat. "Ahm, guys, si Damon." Nag-isip ako ng idudugtong. Ano ko ba siya? "Hmmm.. he's important in my life."

"Yang, sorry talaga. Damon, sorry ah."

"Damon, can I talk to Christian?" Baling ko ulit sa katabi ko.

"Gusto mo samahan kita?" He eyed me.

Hinawakan ko ang kamay niya. "I can handle," nginitian ko siya.

Bumuntong hininga siya. "Okay. Nasa kotse lang ako."

"Kami naman maglalakad lakad muna, Yang." Singit ni Jastel.

Nagsitayuan na sila at lumabas. Hinalikan ako ni Damon sa cheeks bago siya lumabas. Bumaling ako kay Christian. Umupo ako sa sofa pero may distansya sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong mag-umpisa. Nasaktan ako. Ngayong nakita ko siya, bumalik sakin ang sakit.

"Ahh... I'm sorry, Gibrielle. Wala na kami ni Kriza." Pagsasalita niya.

Napangisi ako. "What do you want me to say?"

"Gibrielle, I know I've hurt you but I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang lahat."

"I don't care, Christian. Past is past. I'm happy now."

Wala naman talaga siyang ginawa noon. Hindi naman niya kasalanan na nagustuhan ko siya at umasa ako. At nung araw na naglakas-loob akong umamin sa kanya, napahiya ako dahil may girlfriend na siya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magtaas ng boses o magmukhang galit. But I tried to say that in a sarcastic tone. Hindi ko na siya magawang tignan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yes, wala siyang kasalanan pero hindi ko pa rin paa tuluyang matanggap. Naramdaman ko na lang na nakaluhod na siya sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Please, patawarin mo ako. Hindi pa kami official ni Kriza nun pero agad kang umalis-"

Gusto kong matawa sa sinasabi niya. "So ako ang may kasalanan? Christian, okay na ako e. Masaya na ako pero pinapabalik mo yung sakit." At 'yung pagiging tanga ko.

"Bakit, Gibrielle? May gusto ka pa ba sakin? Pwede ba tayong mag-umpisa ulit?"

Nag-isip ako sa sinabi niya. Kung ibibigay ko 'yun, bilang magkaibigan na lang. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero mahirap akong makitungo sa ganitong relasyon na nagkalamat na. Hindi siya klaro sa mga sinasabi niya. Bakit gusto niya kaming mag-umpisa? Dahil ba gusto niya ako? Gusto niyang makipagkaibigan? O baka may iba siyang gusto?

"Mahirap, Christian. Hindi ganun kadali. Pero wala na akong nararamdaman para sayo," Sabi ko. May mahal na akong iba.

"Bakit? Hindi mo na ako mahal?"

"Ano bang pinunta mo dito?" Sigaw ko. "Humihingi ka ba ng tawad o gusto mo ng panibagong gulo?" Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Naiinis na ako sa tinatakbo ng usapan namin.

"Alam ko naman kasing ako pa rin ang gusto mo. Pwede naman tayong magstart ulit. Mahirap bang ibigay 'yun?" Sigaw din niya.

Hindi ako makapaniwalang ganitong ugali ang nagustuhan ko noon. Nagkamali ako. Mabuti na lang nangyari ang lahat ng 'yun. Dahil kung hindi, nagtitiis ako sa ugali niya. Nakakainis ang pagkahambog niya. Hindi katulad ni Damon. Nainis ako sa kanya noon dahil ganyan din ang ugali niya pero dun rin ako nahumaling sa kanya. Nakita ko iba't ibang side niya.

"Umalis ka na, Christian!" Hindi ka na dapat nagpunta pa dito.

"Gibrielle, no. You still like me, right?"

"Hindi, Christian. Noon 'yon siguro. Pero ngayon hindi na. Naka-move on na ako at masaya na ako kay Damon." Sabi ko. "Umalis ka na."

"Hindi. Hangga't hindi mo ako pinagbibigyan!"

"Bakit ba ang kulit mo? Umalis ka na sabi!"

Unti unti na akong kinakabahan sa mga titig niya. Tatayo na sana ako para iwan siya pero tinulak niya ako pahiga sa sofa at pilit na sinisira ang dress ko. Dinating agad ako ng matinding kaba.

"Christian, ano ba!" Sigaw ko.

Naiyak na ako sa ginagawa niya. Pinipilit niya ang kanyang sarili sakin. Hinahalikan niya ako sa labi pero umiiwas ako kaya leeg na ang hinahalikan niya. Ngawa na ako ng ngawa. Ito ba ang ipinunta niya rito? Ganito ba ang ugaling nagustuhan ko noon?

"Christian!" Iyak ko.

Patuloy pa rin siya sa pagsira ng damit ko. Tuluyan na niyang napunit ang sa harap. Lumitaw na ang soot ko sa panloob. Lalo akong naiyak. Wala siyang kwenta! Hindi niya deserve ang mahalin! Gusto ko siyang itulak pero masyado siyang malakas. Nawawalan ako ng lakas dahil sa paghagulhol ko.

"Damo-" Tinakpan niya agad ang bibig ko nung isigaw ko ang pangalan ni Damon.

Napapikit na lang ako sa kababuyang ginagawa niya. Hindi ko naisip na magagawa niya sakin ito. May tinatago pala siyang kademonyohan sa loob. Hindi ako makagalaw dahil sobrang bigat niya. Sobrang lakas niya na isang kamay lang ang pumipigil sa dalawa kong kamay. Nagpapadyak na ako pero wala pa rin. Patuloy lang siya sa paghalik sakin sa leeg.

Naramdaman ko na lang na wala na ang bigat sa ibabaw ko. Nakarinig ako ng suntok. Hindi ako nagmulat. Natatakot ako. Niyakap ko na lang ang sarili ko. Ano bang ginawa ko sa kanya? Sinaktan na niya ako dati, pati ba naman ang paggalang sakin hindi niya ibibigay?

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon